STEP 20

3 1 0
                                    

The moment that I entered my room dumiretso agad ako sa veranda ng kwarto ko. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod na kanina ko pa iniinda. Pagod sa pagaalala. Pagod sa lahat ng bagay. If you are asking if where my mom is, she is still on the living room. Nakatulog na siya sa sofa at hindi na ako nagabalang gisingin pa siya. Maybe napagod na din siya kakaantay sa ginawa kong kasinungalingan kanina.

Masakit na makitang nagkakaganito siya. Masakit na makitang nagkaroon siya ng panandaliang saya kanina nung sabihin kong babalik si papa, pero anong magagawa ko? Kung yun lang yung way para mapasaya siya. Kung yun lang ang magiging dahilan para bigyan siya ng kaunting liwanag, then I will gladly do it again kahit pa sabihing napaka sama ko nang tao.

Umupo ako sa mismong pasimano nun at niyakap ko ang pareho kong tuhod. I never imagine that my life will be this complicated. Ano bang ginawa ko nung past life ko at ganito na lang ako kung pahirapan ng mundo? Am I that bad to deserve all of this sh*t? Bakit? Bakit ako pa? Napaka makasalanan ko ba dati para kahit ang tadhana ay magsawa at talikuran din ako? Bakit hindi na lang nila ako patayin kung ganun? Deserve ko bang dahan dahang masaktan? Do I deserved to suffer alone like this?

Kung ganito lang pala ang papel ko sa buhay ng mga tao sa paligid ko, then mas mabuti sigurong iwanan na lang nila akong lahat. Kaya ko naman na ang sarili ko. Sanay na din naman akong mag-isa. Sanay na sanay na ako sa ganung sitwasyon. Sinanay na ako ng mga tao sa paligid ko, so why expect anyone to stay with me when in fact I even doubted them in the first place?

Napatingin na lang ako sa malayo. Mula sa pwesto ko tanaw ko ang mga ilaw ng mga bahay sa baba. Maganda din ang panahon kaya may malinaw akong view ng langit. Then I realized how the night sky gives me peace. The darkness itself give me that freedom to get out on my comfort zone.

Ilang minuto rin akong nanatili sa veranda ng kwarto ko ng mapagpasyahan ko na ding pumasok sa loob. Nararamdaman ko na yung lamig ng hangin kaya isinarado ko na din yung pinto at mga kurtina nun.

And the moment that I entered my room tinungo ko agad ang kama ko. Isinalampak ang sarili dun at hindi na inalintana pa kung nandun din ang nagkalat kong gamit. I took out my phone and play random songs on it. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling lamunin ako ng antok.

~*~

Kinabukasan ingay ng pagkabasag ng kung ano man ang unang gumising sa akin. Kaya naman hindi ko na inalintana pa kung pipikit pikit pa ang mga mata ko at basta na lang nagtatakbo palabas ng kwarto para alamin kung ano yun.

Nang matuntun ko kung saan yun nanggagaling ay agad akong bumaba ng hagdan para magtungo sa kusina namin. Doon nga ay naabutan ko si mama na nakaupo at nakayukong umiiyak sa mesa. Ito na naman yung senaryong paulit ulit kong nadadatnan. Umagang umaga pa lang ay ganito na agad siya.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong kusina at napansin ang nagkalat na bubog ng basag na baso sa sahig. Agad ko namang dinaluhan si mama sa kinauupuan niya para ipaalam ang presensiya ko.

"M-Mama, halika dun na po muna tayo sa sala." Malumanay kong sabi habang pilit na inaakay siya.

"Nakita mo ba si Arthur? Umuwi ba sila ni Threa ko kagabi?" Tanong niya na tila parang nananaginip pa.

"Hindi po eh. Pero m-malay niyo mamaya ay dumating sila diba? Kaya Tara na po. Doon na muna kayo sa labas at ng malinis ko yung mga kalat dito mama."

"Ang mag-ama ko babalikan nila ako hindi ba?"

"Hindi ka kailan man iiwan ni T-Threa mama. Nandito lang siya palagi sa tabi mo. Kaya halina po kayo." Pinipilit kong pasiglahin ang tunog ng boses ko para hindi niya mapansin ang lungkot dun.

Ilang segundo din niyang pinagmasdan ang mukha ko bago tuluyang magpatangay sa akin papuntang sala. Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko at mabuti na lamang ay hindi niya ako tinulak kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag nakakalimutan niya kung sino ako.

"Dito po muna kayo ah, igagawa ko lang kayo ng agahan para makakain na kayo." Pinaupo ko muna siya dun at pinagbukas ng t.v para malibang siya. Wala akong nakuhang tugon sa kanya kaya muli akong bumalik sa kusina para ayusin yung mga kalat dun.

Lagi na lang ganito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko pa maaayos ang lahat, o kung may tiyansa pa ba para maibalik ko sa dati si mama. Kahit siya na lang. Kahit ang mama ko na lang.

Mabilis akong nagluto ng agahan at nagtimpla ng kape para sa kanya. Inihatid ko din yun sa sala para makakain siya ng umagahan dahil aminado naman akong pagiyak ang una niyang kinamulatan kanina. Itinapon ko na din yung mga nabasag na baso sa kasina at paulit ulit na winalisan dun para masigurong wala ng naiwang bubog.

Nang matapos nga ay pinuntahan ko siya at magdamag na pinagmasdan habang kumakain siya. Ang paningin niya ay hindi maalis sa t.v at malilingat lang yun kapag kakain niya. Hindi ito yung kinamulatan kong mama. Masyadong malayo sa kung ano yung dating siya.

"Kailan mo ba ako muling maaalala? Kailan ka ba babalik sa dati? May tiyansa pa bang bumalik tayo sa kung ano tayo dati mama?"

"Ano yun Iha? May sinasabi ka ba?" Tanong niya bigla sakin.

"Huh? Bakit po?" Wala sa sariling sabi ko. Tinignan niya naman ako na parang binabasa niya pati ang iniisip ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"May sinasabi ka kasi kanina. Hindi ko lang gaanong narinig eh."

"A-Ah wala lang po yun. Masyadong marami lang po akong iniisip kaya kung ano ano na lang ang nasasabi ko."

"Ganun ba? Mabuti pa ay kumain ka na din. Aakyat muna ako sa taas ha. Ikaw na ang bahala dito kung hindi ka pa aalis." Uminom siya sa kape niya at nakalipas ang ilang saglit ay pumanhik na din sa taas para pumunta sa kwarto niya. Iniwanan niya muna ako ng isang tipid na ngiti bago niya ako Iwan sa sala.

Sa ngayon okay na ako sa ganito. Ipagpapasalamat ko na lang muna na kahit hindi niya ako maalala ay tinatanggap niya pa din ako sa bahay namin. Hindi ko din naman ata kakayanin kung pati dito ay itutulak niya pa ako palayo. Okay na sa akin na makasama siya kahit hindi ko alam kung maaalala pa ba niya ako.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HULING SAYAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon