STEP 13

7 3 0
                                    

Friday morning and I was walking on the hallway. Maaga pa naman kaya kunti pa lang ang mga estudyanteng nakikita kong nakatambay sa labas ng kanikanilang room. 6:30 AM pa lang pero heto na agad ako sa school kahit ang start pa ng klase ko ay 8 sharp.

Sa totoo lang, sinadya kong agahan ang pagpasok, isa na sa dahilan dun ay para makaiwas sa atensyon ng mga tao. Yung isa pang dahilan ay dahil dun sa nangyari kagabi. Masakit pa ding isipin yun, pero anong magagawa ko, lasing yung mama ko at alam kong hindi niya alam ang mga pinaggagagawa niya.

Yung paa ko masakit pa din naman pero sa tingin ko ay mild na lang. Hindi naman siya nangingitim o ano, pero kapag nabibiglang apak ay parang may kung anong naiipit. Pero okay lang kaya ko pa naman, nag-cold compress naman na ako kanina bago ako pumasok kaya medyo namanhid siya at hindi ko gaanong ramdam yung sakit.

Nang makarating sa room ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Inayos ko yung mga gamit ko at naglabas ng book sa history. Hindi ako gaanong nakapagbasa kagabi kaya madaliang scan ang gagawin ko ngayon.

Kinuha ko din yung earphones ko at ikinabit yun sa phone ko saka ko ipinasak sa tenga ko para makapag concentrate ako.

~*~

Minutes have passed by, when I've finally decided to stop reading. Medyo marami na din ang nagsisidatingang mga estudyante kaya maingay na sa room namin. It's already 7:30 a.m so meron pa namang oras bago magstart ang klase.

Isinara ko yung book ko sa history at saka bahagyang minasahe yung leeg ko dahil medyo nangawit yun ng kunti.

Iniligpit ko din yung ilang gamit sa ibabaw ng table ko. And just by that moment narinig ko na yung maingay na boses ni Ai together with her friend Kees na sabay laging pumapasok.

"Good morning Hap!" magiliw na sigaw nito ng makitang papasok na din si Hap sa classroom namin. She run towards to his direction and hug him, leaving him off guard.

"G-Good morning" utal na sabi nya ng magtama ang mga mata namin, so I look away from their direction and instead continue my business a while ago.

Ai and the others seems not to notice it so nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa upuan nila, enjoying the company of each other. While me, I continue what I'm doing. Di ko na lang sila pinansin at mas piniling wag na silang pagtuonan ng pansin.

The moment na matapos akong magligpit ng gamit, tumulala na ulit ako sa bintana. Hinayaan munang maging kalmado ang puso kong naghuhuramentado sa kaba.

Ito na naman ako, hindi pa din nadadala ang pesteng puso ko. Alam niyo yun? Yung kahit anong pilit kong umiwas, kahit anong pilit kong wag silang tignan o wag silang bigyan ng atensyon, the moment na marinig ko yung boses niya lagi syang hinahanap ng puso ko.

Alam kong ginusto ko 'to. Alam ko na pagpapakatanga na naman 'tong ginagawa ko pero kasi nakaka miss din pala yung nakasanayan mo noh'? Kung dati ako yung kasama nyang tumawa. Kung dati ako yung lagi niyang kausap at kasama ngayon iba na. Hahaha alam kong dapat maging masaya ako dahil ito naman yung gusto ko simula pa lang. Na ito yung gusto kong layuan nya ko, pero lintek ang makulit kong puso. Nakisabay pa sa pagalis nya. Ayan tuloy nawalan na nga ako ng posisyon sa buhay niya, nawalan pa ko ng kaibigan na nangakong mananatili sa tabi ko kahit na itulak ko pa daw siya palayo.

And later by that moment, pumasok na si sir, kaya naputol yung iniisip ko. Mas mabuti na din na dumating na siya para maagang matapos 'to at ng makaalis na ko dito.

~*~

The time went so fast, and mabuti at naki-ayon sakin ang panahon ngayon. Matapos ng pang-umaga kong klase ay inayos ko na agad yung gamit ko, at tulad ng dati hinayaan ko na muna silang makalabas lahat. Hap's group left with me here, pero boses lang ni Ai, and Kees ang nanggingibabaw as usual.

"Hap what do you want to eat?" Ai said with her soft voice.

"Kahit ano na lang siguro, since busog pa naman ako eh."

"Ganun ba? Well ako ng bahala sa foods mo hihi." pansin ko ang kilig sa tono ng pananalita niya but sino ba naman ako para makialam sa kanila.

"Yah sure. Thanks."

And just like that nilampasan na nila ang upuan ko para lumabas na. Pupunta na siguro sila sa cafeteria para kumain ng lunch. But as if I care right? Nawalan na ko ng pake sa lahat, lalo na sa kanya.

Nang tuluyan silang mawala sa paningin ko isinabit ko na din yung bag ko sa balikat ko at saka nagpasiya ng lumabas para bumili din ng lunch. Marahan lang ang paghakbang ko dahil sa nananakit pa din ang paa ko pero hindi ko na lang yun pinansin pa.

The moment na makarating ako sa cafeteria dumiretso agad ako sa counter para umorder. Bumili lang ako ng rice and chicken nuggets with salad and water since wala akong ganang kumain.

Iaabot ko na sana yung bayad ko kay ate Kate sa counter pero nagulat na lang ako ng biglang may maunang magabot ng bayad niya.

"Let me pay for you." a baritone voice from my side said.

Nagulat ako at napatingin sa direksiyon nito pero nagulat ako ng makita ko dun si Ethan na may seryosong mukha.

"No need I can manage." agad na sabi ko at sinubukang iabot ulit kay ate Kate yung bayad ko pero hinawakan nito ang kamay ko para pigilan.

"Just accept it. Tara na sumama ka sakin sa table namin."

"Wag na may sarili akong table." I tried removing my hands from his hold but he didn't let me. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at ng matapos na siyang magbayad inilagay nya sa tray niya yung mga pagkain na inorder ko kasama yung sa kanya saka ako hinila papunta sa kung saan.

Ramdam ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin, dahil sino ba naman ang hindi maaagaw ang atensyon ng magkahawak naming mga kamay. May iba pa ngang napatigil at bahagyang lumingon sa gawi namin pero parang wala lang yun sa kasama ko. So iniyuko ko na lang ang ulo ko at saka marahang sumabay sa lakad niya.

And from that moment alam kong magbabago na ang mundong ginagalawan ko dahil sa taong kasama ko.

HULING SAYAWजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें