STEP 1

12 3 0
                                    


"Ano ba naman yan Sad paulit ulit na lang tayo pero bakit hindi mo pa din makuha-kuha? Basic step pa nga lang tayo pero ganyan na agad yung pinapakita mo bwisit!" galit na sigaw ni Ethan sabay bato ng towel na kaninang nasa balikat niya.

Hindi ko naman na lang siya pinansin, kaya imbes na magmukmok ay mas ipinakita ko pa sa kanila ang kawalang pake ko sa mga sinasabi niya.


"Kanina pa tayo dito pero hindi ka pa din natututo, ano ka ba naman! Sabihin mo nga sakin may problema ka ba? Broken hearted? Bakit ka nagkakaganyan ha?!"


"Pagod lang talaga ako, pasensya na." nakayukong sabi ko saka siya tinalikuran na.


"Kung ganyan lang din namang lagi kang pagod, mas mabuti pa atang wag ka na munang sumali. Magpahinga ka na lang muna!" naiinis pa ring sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay naglakad ako papunta sa upuang kinalalagyan ng gamit ko.


Kinuha ko lang yun at saka na ako lumabas ng studio namin. Hindi na nagatubili pang magpalit ng damit, hindi na inalintana ang basang likod. Ang tanging gusto ko na lang ay ang makauwi at mailapat sa kama ang katawan kong pagod na pagod na.

Para akong lantang gulay na naglalakad sa gitna ng hallway ng school namin, kaya may mangilan ngilang napapatingin sakin. Hindi ko na lang yun pinansin pa at saka nagtuloy na lang sa paglalakad. Bahagya pa akong napahinto at saka ikinabit sa phone ko yung earphones nito saka ipinasak sa magkabilang tenga ko bago ako magtuloy sa paglalakad.

May last subject pa akong dapat pasukan bago maglunch break pero yung itsura ko ay parang pang uwian na agad. Hindi pa man hapon pero ramdam ko na agad yung pagod ko.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad ko hangang sa tuluyan akong mapadaan sa locker area namin kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na hinanap ang locker ko saka ko ipinasok yung gym bag ko. Kinuha ko lang yung pampalit kong damit at saka na ini-lock ulit yun.

Dumiretso naman ako sa CR at mabilis ng nagpalit ng uniform ko sa isang cubicle dun. Nang matapos ay humarap ako sa salamin na nandun lang din saka marahang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. Naghilamos lang din ako at saka na muling lumabas at nagtungo sa cafeteria.

Tahimik akong pumasok dun at saka naghanap ng mauupuan na malapit sa may bintana kung saan tanaw ang malawak na field sa labas. Kakaunti pa lang ang mga estudyanteng nandun marahil ay may klase pa kaya hindi pa gaanung maingay. Mabuti na rin yun para kahit papano'y makapag pahinga naman ako kahit kunti.

Inilagay ko muna yung gamit ko sa table ko at saka ako tumayo at nagpunta sa unahan para bumili ng makakain. Hindi ko ugaling makipagsiksikan kaya mabuti ng maaga pa lang ay nakabili na ako ng makakain ko, para mamaya ay hindi na ako magpagod pa.



"Anong sayo Sad?" tanong ni ate Kate sakin.

"Ah spaghetti po saka chicken, samahan niyo na din po ng sandwich with ham at coke po." malumanay na sabi ko saka bahagya pa siyang nginitian.

"Sige Sad, upo ka muna dun at ihahatid ko na lang yung inorder mo. Sandali lang ha."

"Sige po ate Kate, salamat." nginitian lang niya ako at saka na ako muling bumalik sa table ko at naghintay.


Kinuha ko naman yung libro kong binabasa sa bag ko at nagsimulang basahin yun. Isa yung poetry novel na kabibili ko lang kahapon sa national book store, kaya halos hindi ko pa nakakalahati masyadong basahin.

Taimtim akong nagbabasa habang nakapasak sa magkabila kong tenga ang earphones ko ng bigla na lamang umingay ang buong paligid at magsimulang maglabasan ang mga estudyante sa magkabilang side ng field kaya batid kong lunch break na. May dalawang oras naman akong bakante kaya mahaba haba ang pahinga ko bago ang first period namin sa hapon.

Natigil lamang ako sa pagbabasa ko ng maagaw ang atensyon ko ng nagtatawanang grupo na nasa may bungad na ng pinto papasok sa cafeteria. Hindi ko sila nililingon pero kilalang kilala ko ang mga pamilyar na boses nila. Napapangiti ako ng mapait saka sinubukang hindi sila tignan.


"Sad ito na yung order mo, kain ka ng mabuti." sabi pa ni ate Kate ng maihatid niya sakin ang order ko.

"Opo, salamat po." tipid ang mga ngiting naiganti ko sa kanya. Tinanguan niya lang muna ako at saka na naglakad pabalik sa pwesto niya.



"Kees, tigil tigilan mo ko sasakalin na talaga kita!" dinig kong sigaw ng grupong bagong dating. Dumiretso sila sa usual spot nila lagi. Katapat lang yun ng table ko kaya dinig ko pa din ang mga sinasabi nila.


"Ano na namang ginawa ko sayo kita na ngang nananahimik ako tapos ako yung pagbibintangan mo dito! Hustisya naman!" sabi din ng kausap niya.


"Hap, look oh' inaaway niya ko. Pagsabihan mo nga hmm!" sumbong niya sa katabi.


"Kees, tigilan mo na si Ai." seryosong sabi nito.


"Buti nga hmm!" pahabol na sabi ni Ai sa nakangiwing si Keesha, saka ito inirapan at lumingkis sa braso ni Hap.


Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin at sinubukang magpatuloy sa pagkain. Tinudo ko na lang lalo ang volume ng sounds ko para hindi ko na sila marinig.


How I wish na sana kasama pa din nila ako...


HULING SAYAWWhere stories live. Discover now