STEP 8

10 3 0
                                    


The next day maaga akong gumising, ayaw makisama ng katawan ko pero pinilit ko pa ding bumangon. Naligo agad ako saka nagsuot ng uniform ko para diretso na pasok ng school pagkatapos kong magalmusal.

Inayos ko ang mga gamit ko saka inilipat sa isa pang bag ko dahil sa nabasa yung bag na ginamit ko kahapon. Mabuti na nga lang at hindi nadamay yung mga gamit ko.

Nang maayos ko na ang lahat ng kailangan ko, tahimik akong lumabas ng kwarto para hindi ko siya magising. Pagkatapos nung nangyari kagabi hindi ko pa kayang harapin si mama. Hindi ko pa alam kung paano ko siya muling kakausapin matapos nung naging sagutan namin kagabi. Mabigat pa sa dibdib ko lahat ng sinabi niya kaya bibigyan ko muna siya ng panahon para makapagisip ng mabuti.

Pagkababa agad akong dumiretso sa kusina. Nagsangag lang ako at saka ininit yung ulan kagabi. Nagprito din ako ng itlog para sa kanya. Nung matapos ay tahimik akong kumain. Sinadya kong bilisan para hindi niya na ko maabutan. Hinugasan ko lang yung pinagkainan ko pagkatapos ay nagiwan ng post it note sa may lamesa para sabihing umalis na ko.

Suot ang earphones sa magkabilang tenga ay sinadya kong bagalan ang lakad ko tutal ay maaga pa naman. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng skirt habang ang isa ay hawak ang strap ng bag ko. Malalim ang iniisip at ayaw paistorbo sa paligid ko.

~*~

Pagdating ko sa school ay hindi pa ganun kadami ang tao. Binati ko lang yung guard saka ako tuloy tuloy na naglakad papuntang classroom namin. Nang nasa malapit na ko nakita ko siyang nakatayo sa may railings sa hallway na katapat lang ng room namin. Nakayuko, nakasuot din ng earphones habang hawak ang phone niya sa kaliwang kamay niya.

Iniwas ko ang tingin ko saka tinudo ang volume ng phone ko. Marahan akong naglakad at tuloy tuloy na pumasok sa room namin. Nakita ko pa ang ilang mga kaklase namin na napatigil sa ginagawa at tumingin sa direksyon ko ng pumasok ako.

Napayuko na lang ako dahil sa hiya, marahil ay dahil pa din yun sa ginawa kong pagtakbo palabas ng room habang kumakanta si Hap kahapon. Binilisan ko na lang yung lakad ko papunta sa upuan ko katabi ng bintana saka nagpasyang lumabas muna ng room. Maaga pa naman kaya dun muna ako sa dance studio tatambay.

Lumabas ulit ako ng room ng hindi siya pinapansin. Ganun din naman ang ginawa niya kaya naging mas madali para sakin na umiwas.

As soon as makarating ako sa dance studio inilibot ko kaagad ang paningin ko at nung makitang ako lang ang tao ay agad akong pumili sa phone ko ng slow song. Naglakad papunta sa gitna ng room at hinayaan ang sariling magpalamon sa panibagong mundo.

Nagpaikot ikot ako sa gitna ng kwarto, habang patuloy na lumilikha ng ritmo. Hinahayaan ang katawan ko na kusang bumuo ng koneksyon sa musika. Hinayaan ang sariling makatakas sa reyalidad ng buhay.

Nang matapos ang tugtug napaupo na lang ako sa pagod. Kinuha ang phone at ini-off yung tugtug pero halos atakihin ako sa puso nung makarinig ako ng sunod sunod na palakpak. Palakpak? Ako lang ang tao dito kaya paano nangyaring may pumapalakpak? Inilibot ko ang paningin ko at halos hindi makagalaw ng makita ang anino ng tao sa pinaka sulok ng studio.

"I finally found you." sabi niya saka naglakad papunta sa gawi ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin kaya bahagya pa siyang napatawa ng mapansin ang reaksyon ko.

"Ikaw yung madalas pumunta dito diba?" tanong niyang muli, pero nanatili lang akong tahimik at walang balak na sagutin siya.

"I'm Ethan Archangel by the way, President of the dance club." he extended his hands hoping for a shake hands but I refuse to accept it. Napakamot na lang siya sa batok niya ng mapansing wala akong balak na abutin yun.

"May kailangan ka?" I bluntly asked him para matapos na at makaalis na ko agad.

"Wala naman, but I'm asking you to join in my club. May potential ka  and I must say na magaling ka. So if you want na mahasa pa ang styles mo sa dancing, sali ka sa group ko."

"Sorry pero hindi ako interesado."

"Please, sumali ka na. Promise hindi ka magsisisi kapag sumali ka.

"Hindi talaga ako interesado, maghanap ka na lang ng iba dyan. Paniguradong may mas magaling pa dyang iba kaysa sakin."

"Maybe marami pa ngang iba, but the thing is piling students lang ang kinukuha ng club namin. Only for those who are really passionate with their talents and skills ang nakakapasok sa grupo ko."

"Pansensya na pero wala akong oras para sumali." I said in a strong tone of voice. Tinalikuran ko na siya at naglakad na palabas ng room.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay muli akong napatigil dahil sa sinabi niya.

"I never accept no as an answer. Makukuha kita at maipapasok sa club ko. Whether you like it or not, you'll become my member." pasigaw na sabi niya para iparinig sakin. Napangisi ako saka hindi na lang siya pinansin at tuluyan na ngang lumabas ng kwartong yun.

No one have the rights to dictates me. Walang sino man ang kayang makakuha sakin. Kagaya ng tubig ulan magiging mailap muna ako't maghihintay hangang sa mapagod din sila at sukuan din ako tulad ng nakasanayan kong ginagawa ng lahat ng tao sa paligid ko.



HULING SAYAWWo Geschichten leben. Entdecke jetzt