Chapter 2

96 9 0
                                    

"Ayoko nga." Sagot sa'kin ni kira, kainis naman. Pinipilit ko kasi siyang palit kami, kay daniel nalang ako magpapaturo kay jael na siya, ewan ko nahihiya ako 'dun sa tao kahit wala naman dapat ako ikahiya. Well...Maliban sa itsura ko, hindi ako mataba pero hindi din ako payat, kakainis nga mukha akong puno ng manga. Like wala akong shape isang deretsyo na may laman ako.

"Bet mo lang si daniel kaya ayaw mo makipag-palit." Pang-aasar ko. Umirap naman siya sa'kin bago pinagpatuloy ang paglalaro ng clay sa kamay niya, kinuha ko nalang yung pocket book sa bag ko para mag-basa. Wala naman akong choice mamaya kung hindi sumama kay jael kinakabahan ako pero, mas kinakabahan ako kay mama pag-uwi. Sigurado puro mura at papagalitan na naman nita ako dahil bagsak ako.

Papa uwi kana! Wala akong kakampi sa bahay.

Pagkatapos namin tumambay sa gym ay pumunta na agad kami sa E-room dahil pagnalate kami baka hindi na kami papasukin sa loob.

Mabilis natapos ang klase at wala naman ako naiintindihan na bored lang ako sa loob, problema na ako sa grade ko bakit ba kasi ang hina-hina ng utak ko.

Saan ba nakaka-bili ng utak? Char.

"Babye girl pupunta na ako sa meeting spot namin ni daniel, ingat ka. Mahal na mahal kita pero magmove on kana." Napairap naman ako, okay na eh pinaramdam na naman niya sa'kin kung gaano ako karupok at hirap na hirap magmove on.

Pero...Nawawala si jael sa classroom, nakita ko siya lumabas kanina. Pwede naman siguro ako tumakas sa'kanya? Since mukha napilitan lang siya. Tatakas nalang ako imbes mamatay ako ng maaga kapag nakasama ko siya.

Mabilis ako naglakad palabas ng classroom saka derederetsyo naglakad sa kaliwang bahagi ng hallway, 'dun ako sa kabilang hagdan dadaan, wala masyadong tao 'dun. Kaya safe akong makakatakas.

Lakad at takbo na ang ginawa ko makababa lang agad ako sa building. Bwisit naman kasi bakit ba nasa 4th floor ang classroom ng mga grade nine.

"Pot- Uy!" Muntik na yung walangyang bibig ko, ay jusko! Akala ko nakatakas na ako hindi pala. "Hi...Jael."

"Saan ka pupunta?" Tanong niya, ay wala man lang reaction ang mukha, seryosong-seryo ah pero gwapo pa'rin siya kahit ang sungit niya talaga. Dati naman natawa pa siya ah pagkasama nga lang niya kaibigan niya.

"Sa...Sa'yo!" Aligaga kong sagot. "Talaga lang ha? Pero nasa kabilang hagdan ako pero dito ka pumunta, btw bilisan mo kanina pa naghihintay ang service ko." Sabi niya bago ako iniwan 'dun, napa-awang naman ang bibig ko. Service? Wag mo sabihin sa kanila kami mag-aaral?

Ano?! Hindi pwede baka makita ako ng ate,mama at papa niya. Lalo na yung ate at papa niya kilala ako ng mga 'yun maliban sa mama niya na hindi man lang ako binibigyan pansin. "Service? Sa bahay niyo tayo mag-aaral?" Tanong ko, tumigil siya sa paglalakad saka lumingon sa'kin. Inayos niya ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat niya bago ako walang emosyon tinignan. "Yes, problem?" Tanong niya, agad naman ako umiiling. Taena! Gusto ko sabihin Oo pero hindi ko magawa, basta sa'kanya tiklop ako. Basta sa'kanya nahihiya talaga ako.

Walangya akong tao lalo na ang bibig ko pero pagsiya ewan ko, may anghel na nababa. Wala na akong nagawa ng makalayo na siya sa'kin kundi ang sumunod nalang. Mabilis naman nahagip ng mata ko ang sasakyan nila. Alam kong mayaman sila, kami naman may kaya lang. Marami pa utang gawa ni kuya kaya nga nag-ibang bansa si papa kasi kailangan. Kaya nasa public ako ngayon kasi wala na pera pampaaral para sa mamahalin school pero, okay lang kasi ayaw ko din sa private 'dun ako nakaranas ng red ballpen sa grade,

Grabe nakaka-bobo pala sa private.

"Sakay." Utos niya ng tumigil siya sa harap ng pinto ng sasakyan at binuksan 'yun, teka! Taena self wag kiligin. Pinagbuksan ka lang, kalma.

Hope Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now