Chapter 4

79 8 1
                                    

"We have a long quiz bukas sa math and english ikaw ayaw mo naman umayos." Nauubusan ang pasensya niyang sabi kanina na galit din siya sa'kin dahil ayaw ko kainin yung gulay, eh sa hindi ako kumakain ng mini carrots, mini puno at mini kamatis.

Malay ko ba anong tawag sa mga gulay na 'yun.

"Now eat." Malamig niyang utos, wala naman akong nagawa kundi sumubo ng maliit na carrots. Lord sa bahay nga hindi ako mapakain ng gulay ni mama tapos ng dahil sa pag-aaral mapapakain ako ng di oras! Malay koba kung tama pa yung sagot ko eh hindi ko talaga nagets yung topic.

"Gabi na," Sabi saka nilingon ang binata at tumayo.

"Ihahatid na kita sainyo." 'Yun lang ang sinabi niya kaya tumayo nalang din ako at inayos ang bag ko, nakita ko naman siyang naka-tayo sa pinto ng study room at mukhang hinihintay na ako.

***

"Grabe girl, ganan ba epekto pag crush mo nagtuturo sa'yo? Isa nalang ang mali mo gaga!, nataasan mo pa si andrea!" Tuwang-tuwa sabi sa'kin ni kira tumawa nalang ako, worth it din pala ang pagkain ko ng halos tatlong bowl ng gulay kagabi sa bahay nila jael.

"Jia, nandaya kaba?" Gulat kong nilingon si andrea, ako nandaya? "Hindi." Sagot ko.

"Imposible, hindi ka ganu'n katalino para mataasan ako for sure nandaya ka!" Sigaw niya nakinagulat ko, napansin ko agad ang pagtingin sa'min ng buong klase. Break time na namin kasi ngayon at halos lahat ng kaklase ko ay nasa classroom lang yung iba naman ay lumabas para bumili ng pagkain. "Eh sa hindi nga ako nandaya! Ano bang problema mo ha?!," Inis kong sigaw, pagbintangan na naman ako.

"Kasalanan ko ba na mas mataas ang nakuha kong score kaysa sa'yo?!" Inis kong dagdag, nakita ko naman kung paano nainis ang mukha niya. Karamihan sa mga kaklase namin ay nagbubulungan na habang yung ibang lalaki naman ay tumatawa.

"No!, nandaya ka! Siguro may tinatago kang papel habang nagsasagot tayo, imposiblemg makakuha ng ganu'n kalaking score ang katulad mong bob- ano ba?!" Lahat kami nagulat ng biglang sumulpot si jael sa pagitan namin at hinila pa-upo si andrea.

"Sige ituloy mo yung sasabihin mo." Walang emosyon niyang sabi kay andrea na paawang naman ang bibig ko at hindi makapaniwala sa nangyayari. Bakit naman sumulpot bigla ang lalaking 'to? "Totoo naman diba? Jael?, bobo naman talaga ang babaeng yan! Sinabi mo sa'kin 'yun! Sabi mo pa sa'kin sumasakit ang ulo mo dahil sa'kanya!" Mas nagulat ako sa sinabi ni andrea mabilis ko nilibot ang paningin sa buong classroom ng mas lumakas ang tawanan ng tao.

Nang ibalik ko ang tingin kay jael at andrea ay parehas lang sila naka-tingin sa'kin, paulit-ulit akong huminga at hindi makapaniwala sa mga narinig.

"S-Sinabi mo 'yun?" Utal at nasasaktan kong sabi. Sino ba naman hindi masasaktan? 'Yung taong gustong-gusto at inaasahan mo bobo pala ang tingin sa'yo.

"Jia...Wala akong sinabing ganu'n." Sagot niya sa tanong ko, tumungo-tungo naman ako at pilit na tinatago ang inis at lungkot sa mata ko.

"Sige...Dahil sinabi mo, maniniwala ako sa'yo. Alam mo naman lagi lang ako maniniwala sa'yo." Mapait akong ngumiti pagkatapos sabihin 'yun, mabilis kong kinuha ang bag ko at tatakbo na lumabas ng classroom.

***

"Jia!" Agad akong sumimangot ng marinig ko ang sigaw ni mama!, dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari 'yung sa school, dalawang araw na din akong hindi pumapasok. Una napahiya ako sa buong klase, pangalawa nasaktan ako sa sinabi ni andrea, pangatlo hindi ko alam kung paano ako haharap kay jael.

"Bakit po?!" Balik kong sigaw kay mama, buti nalang talaga magaling ako umarte na may sakit, nung araw na kasi 'yun naka-uwi ako sa bahay kahit hindi pa namin uwian, sinabi ko kay ma'am na nahihilo ako at masama ang lasa ko buti nalang talaga naniwala si ma'am kaya naka-uwi ako nu'n.

Pagkadating ko sa bahay ng araw na 'yun ay saka ako umiyak, anong magagawa ko eh sa iyakain na sadya ako kahit sa maliliit lang naman na bagay. "May naghahanap sa'yo sa labas! Pogi bilisan mo anak hindi ko alam na nggagayuma kana anak!" Sigaw ni mama, agad naman ako napatayo sa pagkakaupo sa kama.

"Mama hindi ako nggagayuma!"

"Che bata ka, bumaba kana d'yan! 'Wag mong paghintayin si pogi!" Sigaw na sabi ulit ni mama, wala naman akong nagawa kundi kamutin ang ulo ko at dali-daling lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa hagdan.

"Iho bakit ka pala napunta dito sa'min?" Rinig kong tanong ni mama. "Dinadalaw ko lang po si jia, pati mag-aaral pa po kami sa amin." Shuta? Boses ba ni jael 'yun? Mag-aaral? Nyeta lumiban na nga ako. "Ah ganu'n ba, may sakit kasi ang maarte kong anak kaya hindi nakapasok."

"Mama!" Agad kong apila ng tuluyan na akong makababa, inirapan lang ako ni mama kaya inirapan ko din siya, ganu'n sadya kaming dalawa patarayan sa bahay.

"Oh nandyan na pala ang mabait kong anak, oh siya maiwan ko muna kayo." Paalam ni mama bago lumabas ng bahay, ng masigurado kong nakalabas na ng bahay si mama ay agad kong binaling ang tingin kay jael. "Kamusta?" Tanong niya agad.

"Okay lang, ikaw ba?"

"Okay lang din."

Wala na muling umimik sa'min naglakad naman ako papunta sa sofa malapit lang din sa inuupuan niya at naupo 'dun.

"Uhm...I came here because i want to exaplain my side."

"No need to explain jael, sa simpleng salita na mga sinabi mo na niniwala na agad ako sa'yo...Basta, ayoko lang magsinungaling ka." Pagsasabi ko ng totoo, sa totoo lang hindi ako yung tipong tao na hahayaan ka mag-explain or sa simpleng salita mo ay maniniwala agad pero pagdating kay jael, kahit simpleng sorry lang ata niya okay na sa'kin sa simpleng pagsagot ng oo or hindi sa tanong ko okay na sa'kin, hindi kona kailangan ng explanation niya.

"Trust me, wala akong sinabing ganu'n sa'kanya, maniwala ka sa'kin please..." Hindi ako naka-imik at natulala lang sa'kanya. Hindi ko alam bakit ganu'n 'yung tono ng boses niya parang bang nagmamakaawa siyang maniwala ako sa'kanya.

"Don't worry, i trust you, i will always trust you jael."

Hope Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now