Chapter 3

83 8 0
                                    

Mama! Yan nalang gusto ko isigaw. Mamatay na ako, kakatapos ko lang mag-exam kaninang umaga and almost one week din ako nag-aral at sobrang sakit ng ulo ko dahil 'dun, parang gusto kona matulog kaso! Pinapunta ulit ako ni jael sa bahay nila.

Mamatay na ako literal! Tinatakasan kona siya dahil tinuturuan niya akk mag-volleyball. Kaso suko talaga ako sa warm up palang bagsak na ako paano pa kaya pagnaglaro. And now i'm thinking! Nauna lumabas ng classroom si jael dahil cleaners ako pero tatakas talaga ako. 'Duh dami kona ambag na floor wax okay na 'yun.

Pagtumakas ako ngayon, hindi niya ako mapapansin. Kasi sure ako nandun 'yun sa kabilang side ng hagdan kung hinihintay niya ako. Ayoko kasi talaga napapagod agad ang katawan ko. Isipin mo! Tatakbo ka ng 20 times na ikot sa buong court, gaano ba kalaki ang court ng volleyball! Tapos may iba pangwarm up mamatay kana bago pa matapos.

"Oh! Jia saan punta mo?" Tanong sa'kin ng kaklase ko, ngumiti naman ako sa'kanya bago nagsalita.

"Pupunta lang cr, naiihi na kasi ako." Pagsisinungaling ko, dahil sa totoo lang ay tatakas na ako. "Siguraduhin mo lang, ikaw magtatapon ng basura." Sabi niya, tumungo-tungo lang ako hanggang sa umalis na siya sa harap ko.

Marahan naman ang ginawa kong kilos papunta sa bag ko at mabilis na kinuha 'yun. Luminga muna ako kung nasaan ang nga kaklase kong naglilinis, ng makita kong walang naka-tingin ay mabilis kong hinagis ang bag kong wala naman laman sa labas ng classroom, saka nagpanggap na lalabas na para mag-cr.

Nang makalabas na ako ng classroom ay dali-dali ko dinampot ang bag ko at tatakbo na pumunta sa kabilang side ng building.

Para akong tanga tumatakbo pababa ng hagdan.

"Ka- Gago!" 'Yun agad ang na sabi ko ng makita ko kung paano madapa yung schoolmates na kasalubong ko. Eh di ko naman sinasadya madali siya.

"Okay ka lang?" Dali-dali kong tanong habang tinutulungan siya tumayo, eto naman akong si tanga nagtanong pa kung okay lang eh nadapa na nga. Sinong tao ang okay dahil nadapa siya.

"I'm fine." 'Yun lang ang sinabi niya pagkatapos ko siya tulungan tumayo at dali-dali tumakbo paalis. Napakamot nalang ako sa ulo saka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng building.

Nasa gate pala ako ng building namin ay natigilan na agad ako sa paglalakad ng makarinig ako ng boses mula sa likod ko. Shit naman...

"Where are you going?" Ulit niya sa tanong at naglakad papunta sa harap ko.

"Sa'yo."

"What?" Tanong niya, ng lingunin ko siya ay nakakunot ang mukha niya habang masamang naka-tingin sa'kin.

"Sa'yo kamo ako p- Hoy teka naman!" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mabilis niyang hawaka ng colar ng blouse ko at walang pasabi na hilahin ako. Grabe mahal na mahal kita pero ang hayop mo!

Lahat ng madaanan namin student ay napapatingin sa'min yung iba nga ay pinagtatawanan pa ako.

Inis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa colar ng blouse ko ng huminto na kami sa sasakyan. Hindi naman siya umimik at pinagbuksan lang ako ng pinto, kahit naiinis ay wala nalang ako nagawa kundi ang sumakay.

Wala akong takas sa lalaking 'to, kainis!

Pakiramdam ko ay sobrang bilis ng oras dahil mamaya-maya lang ay nasa bahay na nila kami. Ay mansion pala.

"Change your clothes, mag-start agad tayo ng practice." Malamig ang boses niyang utos, palihim nalang umirat sa inis, ang bossy niya grabe. Hindi ko tuloy alam bakit mahal ko 'to, bakit koba ginusto ang lalaking 'to? Pati ako napapatanong.

Practice, practice. Teh ayoko na talaga bakit kasi need namin 'to? Bakit ganern!

***

"Last two!" Sigaw niya mula sa gilid ng court, napairap nalang ulit ako. Anong magagawa ng kakasigaw niya 'dun? Eh napapagod na ako dito. Nagwarn up muna kami kanina bago niya ako pinatakbo! Ang daya nga ako lang ang tumatakbo eh siya naman itong magvovolleyball din. Last one...

Isang ikot nalang! Tapos na paghihirap ko bwisit!

"Good, now drink a water. After five minutes start tayo ng service." Sabi niya, pero hindi ko nalang siya pinansin saka dali-daling nagpunta sa mga tubig. Mamatay na talaga ako sa uhaw.

"Having the left foot in front of the right foot in a balanced position with your weight on the back foot and toe of the left foot pointed towards where you intend to serve the ball." Nagulat nalang ako ng magsalita siya at tumabi sa'kin. "Holding the ball in one hand and
swinging your other arm back keeping it parallel to your body." Sabi niya muli, kahit naguguluhan ay pinilit kong makinig sa'kanya habang umiinom.

"Tumigil kana kakainom, tumato ka 'dun sa kabilang dulo ng court, wag kang aapat sa guhit. Sa gitna tumayo ka tandaan mo wag kang aapak sa guhit." Mariin niya utos nakapamot ko nalang ang ulo ko saka tumakbo pa punta sa dulo ng kabilang side ng court at tumayo sa gitna, malapit sa guhit pero hindi ako nakapasok.

Nakita ko naman siyang kinuha yung bola ng volleyball bago naglakad papunta sa'kin.

"Now gawin mo ang sinabi ko kanina sa'yo." Utos niya, inilagay ko sa unahan ang kanan kong paa habang ang kaliwa naman ay sa gawing likod, pero hindi lumalagpas ang paa ko sa guhit. Inayos ko ang tayo ko para mabalance ang bigat ko. "Ang gagawin natin ay 'Under hand serve.', ito ang bola hawakan mo gamit ang kaliwa mong kamay at ang kanan mo naman na kamay ang ipangtitira mo." Pagtuturo niya, sunod-sunod naman ako tumungo. "Then swinging your arm forward with a closed fist or open."

"When your arm swings forward you shift your weight from your back foot to your front foot which helps to," Pagtuturo niya pa. "Propel the ball across your court and into the opposing team's court using the momentum of the swinging arm to get the ball to travel over the net." Dagdag niya, tungo lang ang sinagot ko.

Marahan kong swing ang kamay ko, bumilang siya sampo bago ko serve ang bola at, hindi agad pumasok ang bola. Kasi naman ang taas-taas nung net kasalanan koba 'yun?!

"Ayos lang yan, siguro naman na gets mona ang under hand serve, next naman natin ang 'Overhand serve.', place the ball in your tossing hand - left hand for right handers and right hand for left handers."

Tahimik lang ako nakikinig habang sinusunod ang utos niya, para sa grade kakayanin ko. Para na din kay crush, char. "With your left hand toss the ball 2-3 feet up in the air in front of your front foot." Utos niya ulit kaya agad ko naman ginawa ang sinabi niya. "With the right hand which held above your head at a 90 degree angle with your elbow above the level of your ear, use the middle of your open palmed serving hand to contact the middle panels of the ball while." Mahaba niyang paliwanag, ginawa ko lang ulit yung huli niyang sinabi bago ko sinunod ang bago niya utos. "Now serve!" Sigaw niya kaya nabigla ako at mabilis na hinagis ang bola at hinampas nalang 'yun basta-basta.

Ganu'n nalang nanlaki ang mata ko ng pumasok sa kabilang court yung bola.

Gago kailangan lang pala ako gulatin. "Good job jia, now gusto mo muna ba kumain? Alam kong matakaw ka, bola-bola ka eh." Sabi niya ngumuso naman ako ngaasar lang naman siya, bola-bola daw kasi ang pisngi ko kaya tinatawag niya akong bola-bola.

"Pwe- di wag." Agad kong sabi ng sumama ang mukha niya, dipa nga ako nagsasabi eh.

"Hindi pwede ang coke, bukas na ulit tayo mag-practice, mag-gagawa pa tayo ng assignments natin alam kong tamad ka gumawa kaya dito na tayo gumawa. Tuturuan kita wag ka mag-aalala, sa ngayon kakain muna tayo." 'Yun lang ang sinabi niya bago ako iniwan at nanguna maglakad papasok sa mansion nila, hindi ko naman napigilan ang sariling ngumiti.

Pakiramdam ko mas nahuhulog ako...

Hope Of Love (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt