Chapter 6

77 10 0
                                    

"Ang takaw mo." Sabi sa'kin ni jael pero hindi ko lang siya pinansin at nag-patuloy sa pagkain, minsan lang ako makakain ng libre aba susulitin ko na talaga tska, hello ilang linggo napiga ang utak ko kailangan ko ng maraming pagkain para may mailalaman na ulit ako sa utak ko.

"Oo nga pala jael, saan mag-summer?" Tanong ko, kasi kung dito siya mag-summer yayain ko siya gumala iikot ko siya sa lugar namin sasama kona din si kira kung hindi siya busy. "Here, why?" Agad nabuhayan ang kaluluwa ko, ako na ata pinaka maswerte na tao sa mundo char pero seryoso, imagine pangarap ko lang noon na pansinin niya ako tapos ngayon tinuturuan na niya ako sa lahat, tinutulungan ako sa bagay-bagay nililibre tapos feel ko special ako syempre feelingera ako.

Bakit ako hindi magiging feelingera eh ako lang lagi niya sinasamahan tapos kasabay ko sa pag-pasok at pag-uwi.

"Gala tayo buong summer bet mo? Okay lang kung ayaw mo pwede naman siguro si stev- aray ha!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng supalpalan niya ako ng siomai sa bibig grabe ha. "Gagala tayo kumain kana." Sabi niya at tumuloy sa pag-subo ng kinakain niya, nakibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Mukha nawala sa mood ang luko hindi na umimik at kumain nalang ng kumain, ano ba ginawa ko? Babangitin ko lang naman sana si steven 'yung kaklase ko na kapitbahay ko na may gusto sa'kin.

"Tol galit ka?" Tanong ko sa kanya habang nagla-lakad kami sa mall, kakatapos lang namin kumain ag ewan ko sa lalaking 'to kung saan kami papunta basta nag-bayad lang siya kanina sa resto at lumabas na agad naman akong sumunod syempre mahal ko eh, char.

"Tol? Jael? Pare? Mare? Uy galit ka?" Hindi pa'rin siya umimik ang dami ko na sinabi nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako nililingon kaya tumig ako sa paglalakad at pinanood siyang derederetsyong nag-lakad ng halos ang layo na niya sa'kin at hindi man lang niya tinignan kung nakasunod ako, ay marahan akong yumuko at nag-simula mag-lakad papunta sa kung saan. Mabilis ang ginawa kong lakad hanggang sa marating ako sa bookstore, titingin lang ako ng libro tutal wala naman akong pera tska mukhang nawalan ng pakialm sa'kin si jael hindi niya nga napansin na nawala na ako sa tabi niya.

Mabilis ako lumakad da section ng mga pocketbooks,wattpad books and international books.

"Hmm..." Mahina kong huni habang nagti-tingin ng title. Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-ring ang cellphone ko kaya mabilis kung kinuha 'yon at sinagot.

"Hello?"

"Where are you?! Bakit ka ba nawala bigla?! Alam mo ba kung saan-saan kita hinanap?! You jia where ar-"

"Bookstore." Simple kong sagot at pinatay na ang tawag, so kasalanan ko pa na bigla siyang ganu'n ang inaakto niya sa'kin? Bigla siya nawalan ng pakialam ayaw niya na nga ako kausapin tapos ito siyang tatawag galit na galit sa'kin.

Bigla ako nawala sa mood at binaba ang hawak kong libro saka nag-lakad palabas ng bookstore ng marating ko na ang labas na harap ng bookstore siya din dating ni jael.

"Bakit ka ba umalis sa tabi ko?!" Galit na sa lubong niya agad tanong. "Ayaw mo naman ako kausapin 'di ba? Ano pang ginagawa mo dito?" Inis kong balik na tanong sa kanya. Oo na nagta-tampo na ako, katampo-tampo naman kasi wala ka naman ginagawang masama pero hindi ka niya kakausapin tapos galit pa sa'yo 'wag mo nalang ako kausapin kung gano'n, nakakawala siya ng gana.

"Galit ka ba?" Tanong niya umiling naman agad ako at hindi siya tinitignan. "Hindi." Tampo lang ako tampo.

"Hindi ako naniniwala."

"Edi 'wag!" Tuluyan na ako nainis at iniwan na siya 'dun, bahala siya na babadtrip talaga ako sa kanya kahit gustong-gusto ko siya pwedeng-pwede ko siya ibalibag now lalo na pinapanget niya ang moof ko.

"Uuwi na tayo." Sabi niya sa'kin.

"Uuwi ako mag-isa."

"Hatid na kita." Yaya niya, umiling naman ako. "'Wag na kaya ko umuwi mag-isa." Tangi ko at mas binilisan ang lakad ng narating na namin ang exit ng mall ay napapansin ko naman may kausap siya sa phone niya pero bahala siya.

"Umal- Ano ba gago!" Gulat kong sigaw habang nagwa-wala, buhatin ba naman ako bigla, nakita ko naman tumigil ang sasakyan niya sa harap namin at mabilis ako sinakay.

"Badtrip ka!" Inis na inis kong sigaw habang pinaghahampas siya sa balikat hindi naman siya dumaing.

Tumigil nalang ako sa paghampas dahil alam ko naman wala akong takas sa kanya.

Mabilsi lang kami nakarating sa bahay at walang kung ano-ano akong sinabi at pabagsak na sinara ang pinto. Naiinis ako sa kanya buti nalang dalawang linggo ko nalang siya makakasama.

***

Kinabukasan ay wala pa'rin ako sa mood ng pumasok ako pero syempre dahil kaibigan ko si kira eh gumanda naman ang mood ko dahil ang daldal niya.

"Pangarap ko talaga buhatin ako ng pa-bridal jia, tapos si zakiel ang bubuhay girl pwede na ako mamatay as in now na." Tumatawa niyang kwento nakitawa din naman ako.

"Asa ka naman, basta ako gusto maranasan 'yung mahihimatay ako tapos bubuhatin ako ni jael na pa-bridal!" Kinikilig kong kwento sa kanya habang pasimple siyang hinahampas. "Asa ka din 'no! Teka bakit gusto mo naman maranasan mahimatay ha? Gaga kaba?"

Mariin akong pumikit ng maramdaman ko nahihilo ako, madalas naman sadya ako mahilo pero why ibang pakiramdam 'to.

"Syempre bilang prisesa like 'yung mga nababasa ko pag nahihimatay 'yung girl tapos bubuhatin siya nung bidang lalaki pa bridal style girl! 'Yung kilig ko hanggang panty!" kinikilig at nagha-halo kong kwento, hindi ko naman pinahalata nahihilo ako.

Shuta baka malaman ni mama ganto ako sisihin nu'n cellphone ko, no way! As in no way talaga not my phone bakit kasalanan agad ng cellphone ko kung mahilo nga ako.

"Abnormal na babaita, libro 'yun! Iba sa real life tska asa ka naman buh- Hoy anong nangyayari sa'yo?" 'Yun lang ang huli narinig ko bago tuluyan nag-dilim ang paningin ko.

Hope Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon