Chapter 5

88 9 1
                                    

"Ang yabang mo!" Inis kong sigaw saka sumimangot. Nakakinis siya, kanina niya pa minamaliit ang kakayahan ko! " Sigaw ko kay jael saka inis na pinadyak ang paa, eh sa minamaliit niya talaga ang kakayahan ko eh. "Bakit ka ba naiinis, eh sa hindi mo lang talaga masagot ang meaning ng school, ang dali-dali nu'n jia."

"Para sa'yo madali."

"Bahala ka nga d'yan." Sabi ni jael sa'kin bago ako iniwan 'dun, dali-dali naman akong nag-lakad at hinabol siya, pinanood ko siyang umupo sa harap ng lamesa, nasa study room kasi kami dito sa ba- este mansion pala. Yaman eh.

"Sige nga kung madali lang anong meaning ng school?" Tanong ko at umupo sa tabi niya, masyado niya minamaliit ang kakayahan ko ang alam ko lang na mga words na kaya ko bigyan ng meaning ay, brb,br,otw at bcs.

Duh ang dali nu'n 'yan ang madadali, hindi itong mga sinasabi niya, ang alam ko lang ay nag-a-aral ako sa school, tapos ang usapan.

"Study center house of organised learning." Mabilis niyang sagot, pati pagbangit ng mga words napaparamdam sa'yo na bobo ka.

"'Yun pala meaning nu'n." Mahina kong bulong at hindi naiwasan humanga, gwapo,mayaman,matalino,sporty,mabango at higit sa lahat mabait. Hindi na talaga ako magta-taka kung bakit patay na patay ako sa taong 'to.

"Ano naman meaning ng hospital?" Tanong ko, ha! Sure ako hindi niya 'to alam. "House of sick people Including treatment and labour."

Hanep, ayoko na talaga mag-talk! Pahaba nang pahaba ang usapan namin, pabobo ako ng pabobo.

Mama bakit mo ba ako pinanganak ng walang utak! Hustisya!

Utak ko ata iniwan na ako lumipad na somewhere.

"Now my turn," Biglang imik kaya kunot noo ko naman siyang tinignan. "What's the meaning of math?"

Huh? May meaning ba ang math? Luh? Legit?

"Ano...Mental abuse to human!" Proud ko pang sagot, aba bakit totoo naman. Mababaliw ka sa kakaisip gagawa siya ng problema tapos dadamay pa ako, nasaan na 'yung ½, potah.

"God...I can't believe you..."

"Sorry na." Paghingi ko ng pasensya, mukhang naubos ata ang pasensya sa'kin ng isang 'to, kundi lang talaga kita maha- gusto 'di na ako nakinig sa'yo.

Tumahimik ako dahil tumahimik din siya, nandito kasi kami sa kanila para mag-aral ewan ko ba sa lalaking 'to sinasama ako lagi sa kanila tapos tinutulungan ako gumawa ng assignment, kaunti nalang iisipin kong crush niya ako, asa ka naman jia.

Sumama lang talag ako para kumain ng cake, joke.

"Jia." Tawag niya sa pangalan ko, kaya natigil ako sa pag-subo ng cake. "Bakit?" Inosente kong sagot, at pasimpleng kumukuroy ng cake.

"Bagsak ka sa long quiz natin kanina, anong nangyari?" Natigil ako sa pagnguya pagkatapos niya sabihin 'yun at humarap sa'kin, hindi ko alam ang isasagot dahil bagsak talaga ako sa long quiz kanina, malapit na kasi ang finale exam namin para sa 4th quarter pero ako eto tinatamad na naman mag-aral kaya bumagsak ako sa long quiz kanina.

"Anong problema?" Tanong niya ulit pero this time 'yung boses niya parang galiy pero mahinhin pa'rin 'di ko magets. Yumuko naman ako para maiwasan ang tingin niya, deretsyo lang kasi siya nakatingin sa'kin nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.

"Ano...Nawalan ako ng gana mag-aral." Sagot ko at bumuntong hininga, ewan ko sa nag-daan na linggo unti-unti ako nawawalan ng gana sa buhay lalo na sa pag-aaral parang bang may problema ako pero hindi ko alam.

Natigilan ako ng maramdaman ko ang dalawang braso niya na yumakap sa'kin mas nagulat pa ako ng idiin niya ako sa kanya. "'Wag ka mag-alala magiging okay din 'yan, babalik din ang sigla mo sa ngayon 'wag mo pilitin pero, 'wag mo din sana hayaan ang pag-aaral mo kung kailangan samahan at bantayan kita sa lahat ng bagay gagawin ko, bumalik lang ang sigla mo." Hindi ako nakaimik pagkatapos niya sabihin 'yun, naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Kinikilig na naiiyak at masaya.

Lagi nalang siya nasa tabi ko at iniintindi ako hindi ko alam, hindi ko alam kung kaya ko pa ba siya mawala sa tabi ko. Dati akala ko hanggang tingin nalang ako sa kanya pero eto ngayon, kasama ko siya lagi ako ginagabayan sa lahat.

"Pagna-ipasa mo ang final exam natin, ililibre kita ng mga libro at pagkain." Sabi niya, parang nabuhayan 'yung katawan ko.

"Talaga?" Excited kong tanong, wala na kasi akong pera at ayaw naman ako bigyan ni mama kaya hindi ako makabili ng bagong libro kaya ayun wala akong mabasa ngayon.

"Yeah basta, papasa ka sabay tayo mag-grade ten."

"Hala 'dun ka pa'rin mag-grade ten?" Parang mas nabuhayan 'yung katawan ko, ewan ko gusto ko nalang kasama si jael.

"Yeah kung ipapasa mo exam natin."

"Promise ipapasa ko, maniwala ka sa'kin."

"Okay, before you trust me, I trust you first."

***

Ipapasa mo ko ma'am or ibabalibag kita char. Kinakabahan ako habang nagla-lakad papunta sa faculty, ewan ko last two weeks na namin sa school tapos na din ang finale exam, natatakot ako na baka bumagsak ako lalo na ngayon, pinapatawag lang naman ako sa faculty baka mamaya may tatlo na naman akong bagsak na subject.

"Good morning ma'am." Pagkapasok ko palang sa pinto ay agad akong bumanti, nabawasan ang kaba ko ng makita kong si ma'am lang 'yung tao sa faculty. Alam mo ba 'yung feeling na papasok ka sa faculty tapos puro teacher sabay tanong.
'Anak ka ba ni ganto ni ganyan.'
Aba ewan ko nalang.

"Sit down please jia."

Agad naman ako umupo hastag masunurin na bata.

"Ma'am bagsak ba ako?" Agad kong tanong, unahan ko na si ma'am baka mamaya magulat pa ako. Tumawa naman si ma'am. "Nako hindi, pinapunta kita dito dahil may gusto lang ako sabihin."

"Ano po 'yun ma'am?"

"Nagpag-usapan namin na bigyan ka ng test para ma ipasok ka sa honor this year. Kulang ka lang ng isang average and pwede kana ipasok sa honor sabi ng teacher mo sa ap if mapapasa mo ang test na ibibigay sa'yo pwede ka na maipasok sa honor kasi tataasan niya 'yung pinaka mababa mo." Paliwanag ni ma'am hindi naman ako nakasagot.

Kung papayag ako parang ang unfair. "'Wag na po ma'am ayos na po ako sa nakapasa ako."

"Sure ka?"

"Opo." Sagot ko, ang unfair naman kung bibigyan ako ng special test.

"Sige thank you." Nag-paalam na ako kay ma'am na lalabas, ganu'n nalang ang gulat ko na naka-abang pala sa pinto si jael.

"Pasa ako!" Malakas kong sigaw at nagta-talon. "I'm happy for you, mamaya ililibre kita sa eat all you can."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Yeah." Simple niyang sagot pero mas kinatalon ko. "Thank you talaga." Tumatalon kong sabi at niyakap siya, huli na ng mapagtanto ko nakayakap na ako sa kanya. Akmang aalisin ko na ang pagkakayakap sa kanya ng yakapin din niya ako pabalik.

"I'm so proud of you."

Hope Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now