lovelife?

3.7K 95 9
                                    

JESSICA'S POV

"so pano jess?"

"h-ha? a-anong p-pano??"

hindi pa rin ako komportable, gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Sobrang nahihiya talaga ako!! waahhh! >_

ano ba kasing pumasok sa utak ko nung araw na yon!? bakit kung ano anong salita ang sinulat ko dun?? paano na lang pala kung yung sulat ko ang nabunot ni sir Camba nang magbasa sya ng mga sulat!!? waaahhh!! >_

hindi rin ako makakain... mukang masarap pa naman tong pagkain sa harap ko.. >__

"Pano... tayo.... uhmm.. ano nang lagay natin?? " tanong ni Jed.. nasa harapan ko sya, hawak nya ang tinidor at kutsilyo sa magkabila nyang kamay..

"Ewan ko.... pano nga ba?" halos kainin ko na mga sinasabi ko.. hindi rin ako makatingin sa kanya.. nakakainis naman talaga. bakit sa ganong paraan nya binasa ang sulat ko. Hindi ako makamove on!!

"hahaha, okay ka lang ba jess?? kanina ka pa yata hindi mapakali?? pasensya na kung ako ang dahilan kung bakit hindi ka komportable ngayon.. Sorry din kasi sinabi ko na may party ako. Kasi sa totoo lang, ikaw lang talaga ang gusto kong makasama ngayon eh, lalo na ito rin ang araw na pwede kong mabasa yung sulat mo"

sa loob loob ko, gusto kong ngumiti, pero hindi mawala yung hiya na nararamdaman ko ngayon.. Haay. Grabe ka Jed. bakit kayang kaya mo akong pakiligin ng ganito??? *_*

tumingin ako saglit sa kanya, at nakita kong nakatingin sya sakin na seryoso ang muka. Ngumiti sya... i pursed my lips.

*sigh*

"okay lang..." maikling sagot ko sa kanya.

ngumiti ulit sya, tapos kinuha nya yung plato ko.. tumingin lang ako sa kanya ng may pagtataka.. Sya na ba kakain ng pagkain ko?? o.O

hiniwa nya yung steak sa plate ko, hindi pa rin sya nagsasalita... after nyang hiwain yung steak, nilapag nya yung knife and fork. tapos binalik nya sakin...

>///

"kain ka na jess"

tapos ngumiti ulit sya! *_*

bakit ba ang gwapo nya??

ngumiti din ako.. "thank you"

nakoo.. baka isipin ni Jed na kaya hindi ako kumakain dahil gusto kong ipahiwa sa kanya tong pagkain ko...

kumain na ako ng maayos, si jed naman nagkwekwento ng kung anoano, mukang nagiging maayos na din ang pakiramdam ko, hindi na kasi nabanggit ni Jed yung eksena kanina. .

kaming dalawa lang dito, maliban sa mga crew na nagseserve saming dalawa.. may background music din pero hindi ko alam kung anong kanta. Instrumental lang kasi, nakakarelax...

after namin kumain, niyaya ako ni Jed na maglakad lakad, lumabas kami sa isang glass door na papunta sa isang garden. Di ko alam kung garden talaga to, basta may mga halaman. May fountain, may tiles na nilalakaran. Basta ang ganda. Hindi mo aakalain na may ganitong lugar sa building na to...

tahimik lang kami, naglalakad ng sabay pero biglang hinawakan ni Jed ang kamay ko.

biglang nag init ang muka ko. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon.. Dati kumukuha lang ako ng pictures nya patago. Tinitingnan sya ,mula sa malayo. Tapos ngayon ganito.. Minsan iniisip ko na baka panaginip lang to, at baka isang saglit magising na lang ako sa katotohanan.

"Jessica" napatingin ako kay Jed. Naglalakad pa din kami. Tinawag nya ko pero hindi sya nakatingin.

"Alam mo ba, minsan na akong nabaliw sa tatlong babae bago pa kita nakilala"

I Got Caught [Completed]Where stories live. Discover now