we're official

3.6K 107 12
                                    

Bessy Jess Calling...

ANDY'S POV

"Hello?"

"Waaahh! andy! andy! wait lang, ihohold kita ah, tatawagan ko din si Dianne, conference na para sabay kayo! hehehe. wait lang ha. Eto na."

mukang masaya si Jessica ah? I think I know why. Simula kasi kahapon, hindi namin sya nakausap ni Dianne. We just let them to have their own world.

"Hello Andy, okay na. Nandito na si Dianne" jess

" hi Andy! hi jess! miss ko na kayo!!" dianne

"O.A teh? magkasama lang tayo kahapon eh" ako

tumawa lang sila pareho, kaya nakitawa na rin ako.. ayoko naman maging kill joy.

"Girls!! may sasabihin ako... Ano kasi.. Kami na ni Jed! waah!! we're official na! " masayang masaya na sabi ni jess. Syempre, ikaw ba naman ang mahal ng mahal mo. Tapos naging kayo nang ultimate crush mo, ewan ko na lang kung hindi ka maging sobrang saya katulad ni Jessica

"Waaah!! I'm happy for you bessy, Best wishes!!" dianne

"parang kasal lang dianne? best wishes? hahaha. pero thank you sa inyong dalawa ah. part din kayo kung bakit sobrang saya ko. Hindi nyo ko iniwan kahit anong mangyari.. hehehe, ang drama ko! pero salamat talaga!!"

"ano ka ba jess, best friends nga diba... wala lang yon. Kahit kelan walang iwanan." ako

"Oo nga! bestfriends forever tayo eh! weee! sana may group hug! "

ang kulet talaga ni Dianne, napaka light lang lagi ng mood nya. I wish I could do that too. Hay.

Ilang oras din kaming nag usap, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. Kahit na magulo ang lovelife ko kung meron man, basta kasama ko tong dalawang baliw na to hindi ako mawawalan ng dahilan para maging masaya"

JED'S POV

"tol tara! libre ko na drinks nyo. " pag yaya ko sa tropa, nasa bahay kasi kami ni Tonio, katatapos lang ng last day ng klase , bakasyon na namin.

"galante ang loko!! dito na lang tayo, padeliver ka na lang, pati bumili ng drinks, ang sarap ng higa ko dito eh" sabi ni tonio.

sumang ayon naman yung iba kaya ganon na lang ang ginawa ko. Treat ko na din sa kanila dahil hindi ko sila nasama sa birthday ko.

"what's with you Daniel? kanina ka pa ngiti ng ngiti ah. Nakadrugs ka ba?" pagpuna sakin ni Luke. tropa ko din..

"Hayaan mo na yang si Daniel pare, inlove eh! hahahahaha" pang aasar ni tonio, nakasali na naman ang iba. Ayos lang, totoo naman eh. INLOVE

"Sinagot ka na ba ni girl of your dream?"

ngumiti lang ako sa kanila ng malapad, tapos binato na ko ng unan at sabay sabay nila akong sinugod!

" Wooo! lover boy!"

"Naks! kaya pala nanglibre!! nakalovelife na pala!"

"Ikaw na inlove Daniel! "

" Teka tama na! masakit na aba! sinasamantala nyo ko ah!"

grabe naman kasi, halos bugbugin na nila ko sa panghaharot na ginawa nila. Parang ngayon lang sila nagkaroon ng kaibigan na may gf ah.

"hahahaha ! sarap mong gulpihin eh, minsan lang naman Daniel, hahaha. Biro lang.. Eh nasan si Jessica, bakit hindi kayo magkasama ngayon?" tanong ni Tonio

"Sabi nya kasi gusto nyang makasama sila Andy at Dianne, marami daw silang pag uusapan. Mamaya magkikita kami. Pupunta ko sa bahay nila :) "

"Hayop pare! ngiting ngiti!! hahahahaha. ang saya mo ah! inom na nga lang tayo!" sabi ni Andrew. Teka, Oo nga noh? nandito pala si Andrew. ngayon lang kasi nagsalita to. Hmm. Bakit kaya?

I Got Caught [Completed]Where stories live. Discover now