anong meron?

5.6K 125 17
                                    


 "he-hello J-jed??? hello??" tiningnan ko ang phone ko at wala na pala akong kausap. Hala? kailan pa ko nawalan ng kausap?? 

 "asdfghjkl" napatingin ako kay Andy at nakatakip pa rin pala ang kamay ko sa bibig nya. kaya tinanggal ko na at pinunas sa damit nya ang kamay ko! grabe kasi! punong puno ng laway nya! Argh,. 

"woo.. ano ba Jessica bakit mo naman ginawa yon? ang adik mo, aish! " pagrereklamo nya.

 "ikaw eh. ang daldal mo, nakakainis ka! Paano kung... waaahh!! patay ako nito eh.. bisto na ko.. Argh!" 

"bisto?? bakit hindi ba alam nung jed na gusto mo sya? Sus! ang weak mo naman sistah! sabihin mo na kasi, hindi na uso ang Maria Clara ngayon no, make a move na! "  

"pch.. make a move ka dyan. basta quiet ka na lang. wag mo sabihin kahit kanino.. Ok? sige ka, hindi kita papakopyahin ." hahaha . nang blockmail daw? pero kasi eh, hindi pa yata ako ready na malaman ni Jed kung gaano ko sya kagusto. 

 "ang daya! ok ok! quiet lang ako. alam na ah. " she's talking about sa diskarte naming dalawa. paano? secret na lang, baka gayahin nyo pa eh. bad. haha.  dumating na ang prof namin at nag last look ako sa cellphone ko. bakit kaya nawalan ako ng kausap? nababa ko ba? >.< aish! set aside na nga mula yan. Baka mawala ang mga nireview ko pag nag isip pa ko masyado.    



JED's POV

[ha?.. ahh ....... --------- ] 

"hello?? hello jessica?? hello??.................. Ay takte , walang kwentang cellphone! lowbat! badtrip naman oh...  "  

"oy pare, problema mo?" tanong ni Tonio, sya naman kasi ang katabi ko. Calculus na namin ngayon at nakamerge naman kami ECE, ang konti lang kasi naming regular na civil eh, kaya halos wala kaming block na matino. 

"tss. wala wala" tapos nagsimula na ang lecture. baka isipin ni Jessica binabaan ko sya, kainis naman oh. wrong timing! kung kailan may number na ko at kausap ko na saka pa nalowbat. bakit kasi hindi ko naisip i-charge kagabi. >.<  wala kaming ibang ginawa kundi magpipindot sa scientic calculator , magsulat ng napakahabang solution at magsolve ng isang katutak na problem. Pero ok lang, sanay na ako at hilig ko rin naman ang math. last subject na namin to, pero 3 hours, hindi katulad ng iba kong subject na 1r and 30min lang. 

"Daniel, ano pa lang balita sa inyo ni Jessica. what's the score?" pabulong na tanong sakin ni Tonio. 

"score? uhmm... ewan ko din, pero mukang maganda naman ang takbo ng panliligaw ko. may advice ka ba dyan pare? yung matinik ah."  lumapit sya sakin at may binulong .........    

JESSICA's POV


  "pass all the papers in front" 

woo!! natapos din! grabe, long kung long quiz eh, 3 parts tapos 50 items each! nakakatuyo ng utak! pero buti na lang tama yung nareview ko. Sana wala akong mali . o kung meron man, sana naman konti lang. >.<  

"thanks Jess ah. hehehe. the best ka talaga! ikaw na matalino! apir!!" at nakipag high five nga sakin si Andy. Nag-aayos na kami ng gamit dahil naconsume ng quiz namin ang 2 hours para sa subject na to.  

"haay.. sana wala si Sir Pete, ayokong mag p.e ngayon, ang sakit ng katawan ko eh" sabi ni Dianne. Papunta na kami sa locker room para magpalit ng p.e uniform. Grabe ang pangit ng schedule ng p.e namin, sana kasi saturday na lang para wala kaming masyadong subject eh, pagod na kami sa mga naunang subject tapos p.e namin last subject. =_="  

I Got Caught [Completed]Where stories live. Discover now