kiss the bride?!

2.9K 65 8
                                    

Jessica's POV



" Jessy? sure ka bang ok ka lang? "

"h-huh? ah-hh. okay lang ako... may dahilan ba para hindi ako maging okay?" 

Nakatitig ako sa mga mata nya. Nasa library kami ng university, nagkataon na pareho kami ng vacant hours pero bukod sa oras na to, wala na kaming ibang time na pareho, wala na din kaming subject na magkasama sa iisang classroom.

Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko mapigilan ang isip ko na magtanong ng mga bagay bagay... halos dalawang linggo na simula ng may marinig akong hindi ko maintindihan. Hindi ako nagkalakas loob na tanungin sa kanya ang tungkol sa kasal at sa babaeng tinatawag nilang Gracielle. Wala rin ideya si Jed na narinig ko ang pinag usapan nila.

" Ewan ko, pero kasi ... nitong mga nakaraang araw, parang may iba? parang..... parang may mali talaga eh"

Meron nga, at yon ang paglilihim mo sakin. Wala ka bang balak na sabihin sakin ang totoo? Wala ka bang balak magkusa na mag open up ng mga bagay bagay tungkol sayo? Ano ba tong meron tayo? para san pa ang relasyon natin kung may isang babaeng naghihintay na lang ng kasal nyo? Ano bang papel ko sa buhay mo??? 

" Ano ba kasing mali? anong iba? " 

Bakit? napapansin mo bang may tinatago akong hinanakit? na sa loob ko gulong gulo ako, na marami akong katanungan pero mas pinili kong ikaw mismo ang magsabi sakin. 

" Iyan " tinapat nya ang hintuturo nya sa muka ko at bahagyang lumapit sakin.. 

"Eto" nilagay nya ang magkabilang hintuturo nya sa dalawang dulo ng labi ko at itinaas ito ng kauti.

"Ikaw" Umayos sya ng upo at nagbuntong hininga.. he look at me intently, para bang sinusuri nya ang bawat detalye ng mukha ko... Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.. 

" Hindi ka na pala ngiti, Lagi na lang parang balisa ang expression ng mukha mo, parang iniiwasan mo ko kahit na lagi naman tayong magkasama. parang ang layo mo, kahit nasa tabi lang kita. May problema ba tayo? may nagawa o nasabi ba akong hindi mo gusto? sabihin mo sakin Jessica" 

" Sa tingin mo... may nagawa ka ba, o nasabing hindi ko gusto?" ang cold ng atmosphere sa pagitan naming dalawa, ang lungkot ng mga mata nya, pero nasasaktan ako ng hindi nya alam.

" Haay.. " iniwas nya ang mga mata nya sakin at tumingin sa baba. 

"tsk" hindi sya nagsasalita, paiba iba lang ang tingin nya, every movement he does, he always sigh.. 

Habang pinagmamasdan ko sya, nasasaktan ako. Hanggang kailan nya ba balak itago sakin? wala ba akong karapatan na malaman ang totoo? 

" Malapit na ang next class ko, magkita na lang tayo mamaya " tumingin lang sya sakin, pero hindi sya nagsalita. Tumayo na ko at nagsimulang maglakad. Mas lalong tumindi ang kirot ng puso ko. Ganon na lang yon? hahayaan nya lang akong umalis ng ganito sa harap nya.. Bago ako tuluyang makalabas ng library, lumingon ako sa kanya. Nakatungo sya sa table habang nasa ulo nya ang dalawang kamay nya. While I am looking at him, may naramdaman akong patak ng tubig sa may pisngi ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan at nagpatuloy na sa paglalakad. 

I Got Caught [Completed]Where stories live. Discover now