surprise! O__O

2.7K 69 9
                                    

Simula kanina, Kahit na sobrang nababaliw na ko kaiisip ng mga posibleng dahilan kung bakit magkasama sila sa picture hindi ako nagtangka na i- brought up yung about sa picture na nakita ko. Gusto ko sya mismo magsabi kung ano yon, bakit ganon at papaano nangyari yon.  Nasa restaurant kami ngayon para magdinner, ang bilis lumipas ng oras parang kanina lang nasa kwarto ko sya pag gising ko, tapos natulog sya sa sofa namin, ngayon malapit na naman magtapos ang isang araw na kasama ko sya. 

Kanina, nagpunta kami sa sementeryo. Yeah. I didn't expect that. At hindi ko rin alam kung ano yung mga bagay na narinig kong sinabi nya sa grandma nya. Hindi naman nya inopen, so hindi ko na rin tinanong. Baka kasi silang maglola lang ang nakakaalam non. 

After namin dalawin ang grandma nya, may dinaanan syang elementary school, pero hindi naman kami pumasok. Tumingin lang sya don mula sa kotse nya. Sabi nya namiss lang daw nya ang dati nyang school kung saan don naging prinsipal ang lola nya. Siguro sobrang miss na nya ang lola nya kaya naman naisipan nyang pumunta sa mga lugar na may koneksyon dito..

"Thank you Jessy sa pagsama sakin" nasa tapat na kami ng bahay, pero nasa loob pa rin kami ng kotse ni Jed.  Lumapit sya sakin at niyakap nya ko. " I missed you, big time" 

"namiss din kita Jed, hindi mo naman kailangan magpasalamat dahil sa pagsama ko sayo eh. " kumalas sya sa pagkakayap, pero hindi sya masyadong lumayo sakin. 

"sa totoo lang, hindi pa nga sapat ang thank you ko sa mga bagay na nagagawa mo para sakin. Marinig ko lang ang boses mo, sobrang thankful na ko, makita ka, malaki rin ang pasasalamat ko, your mere existence, sobra sobra na pasasalamat ang gagawin ko. Basta thank you sa lahat. I love you Jessica, tandaan mo yan" 

####

I spend my weekends with Jed, last saturday kasama ko syang nagpunta sa birthday ng isang friend ko, sunday, kasama ko sya magsimba with my family, tapos nagdinner naman kami sa bahay nila. catching up, alam nyo na. :) Tapos balik school na din sya, andaming nanghihingi ng pasalubong sa kanya. May mga chocolates naman syang binibigay, pero kay andrew sapatos! kay tonio shades! edi sila na bestfriends! hahaha. 

"Oy pare! alam na ah! alam kong marami pa sa bahay nyo! ira-rade namin yon!" sabi ni Tonio sabay akbay kay Jed, naglalakad kami ngayon papunta sa car park, katatapos lang ng class at nagyaya sila sa bahay nila Jed.

"uy jess, anong binigay sayo ni Daniel?" kumapit sa braso ko si Dianne at mahinang tinanong sakin yan. She also playfully bumping her elbow to mine. 

i just shake my head. kasi wala.

(-______- )l|l

"Seriously???" malakas na tanong ni Dianne. Bumitaw sya sa braso ko at humarap sakin. 

"wala nga" mahina kong sagot. wala naman talaga eh.okay lang yon kahit sila may chocolates, sila may sapatos at shades, okay lang sakin kahit wala ako.. girlfriend lang naman ako eh.. okay lang... okay--- okay joke lang na okay. Medyo hindi okay, ay gulo. basta. pero okay lang talaga. Medyo kinulit pa nya ko, pero wala eh... wala talaga. 

Pumayag si Jed na magpunta sa bahay nila, ako, si dianne, si andy, si tonio, si andrew. Si Andrew at Andy hindi nagpapansinan. Pero parang okay na okay naman si Andrew. Si andy, halata sa kanya na medyo ilang sya kay Andrew. tsk tsk tsk. Samin na ni Jed sumabay yung dalawa kong bestfriend. Kwentuhan kami habang papunta sa bahay nila Jed. 

I Got Caught [Completed]Where stories live. Discover now