Letting Go Means...

7.1K 206 49
                                    


Pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap, dito sa bar ang diretso ko, tinawagan ko naman ang bestfriend ko para samahan ako sa pag-inom. Pero akala ko may maitutulong sya sakin, akala ko dadamayan nya ko, akala ko sakin sya kampi, pero ngayon, anong ginagawa nya???

" tama na yan..." kinuha ni Jaquie ang bote ng alak na kanina ko pa tinutungga..

"ibalik mo nga sakin yan Jaquie! ngayon lang please! ngayon lang!" pilit kong inagaw sa kanya yung bote ng alak at ininom ulit ito.

"Tama na sabi yan eh!! ang dami mo ng nainom! tama na yan!" pilit ulit yang kinukuha sakin ang bote pero iniiwas ko naman ito sa kanya.

"pinapunta kita dito para damayan ako, hindi para pigilan ako sa gusto ko!!" napasigaw ako ng hindi ko sinasadya, 

"ano bang mapapala mo sa pag-inom ha?! pagnalunod ka na ba sa alak na iniinom mo ikaw na ang pipiliin  nya ha?! ikaw na ba ang mamahalin nya ha Vince?!! Sabihin mo nga!!" parang may kung anong sumaksak sa puso ko ng bitiwan nya ang mga salitang iyon. Ang sakit. 

"ano Vincent Madrigal!! magsalita ka!! pagnalustay mo na ba lahat ng perang meron ka kabibili ng pesteng alak na yan ikaw na ang mamahalin nya ha!!?! kapag gumapang ka na ba papunta sa kanya babawiin nya ang sinabi nya na hindi ikaw ang gusto nya at may mahal na syang iba!!?! Bullshit Vince! tumigil ka na!!" sapul na sapul sakin lahat ng sinasabi nya, ako lang naman tong gago na hindi nagtapat agad sa kanya! akala ko may pag-asa, akala ko ok lang hindi ko agad sabihin sa kanya, akala ko wala pa syang mahal na iba!

Pesteng akala yan!! NAKAKAMATAY!!

Hindi na ko nakasagot sa mga sinabi ni Jaquie at naramdaman ko na lang na may luha na palang pumapatak sa aking mga mata.

****

Matagal ko na syang gusto simula pa lang nung una ko syang makita, 4th year high school ako nun, ng makita ko syang nakaupo sa isang bench habang nanunuod ng laro ng soccer team. 

Pinagmasdan ko lang sya mula sa kinatatayuan ko at habang tumatagal may kakaiba na akong nararamdaman bawat titig ng mata ko sa kanya. Lalapitan ko na sana sya nun pero umalis na agad sya pagkatapos na pagkatapos ng game.

I found her attractive the first time i saw her, and i fell in love for the second time around. 

Nakita ko syang kasama ang mga kaibigan nya na nagchi-cheer sa soccer team ng school namin, ang tamis ng bawat ngiti nya, ang aliwalas ng aura nya at ang ganda ng lahat sa kanya. Simple pero may kakaiba sa katangian nya na nakakuha ng atensyon ko at naging dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya. 

Lumipas ang mga araw. linggo at buwan ng hindi ko man lang alam ang pangalan nya, sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ng gumawa ng paraan para makilala sya. And i did. 

Lumapit ako sa kanya isang beses ng makita ko sya sa Library at nagbabasa ng libro, mag-isa lang sya so akala ko magiging ok ang lahat. 

"Excuse me miss," tumingin sya sakin saglit, pero parang may tinitingnan sya, hindi yung librong hawak nya, pero hindi ko alam kung ano. 

"if you don't mind, can i seat here" tumingin ulit sya at tumango ng ilang ulit, pero hindi pa rin sya sakin nakatingin, at mas lalong hindi rin sa librong hawak nya. I didn't bother to ask kung ano bang tinitingnan nya kasi hindi naman nya ko kilala. 

"uhm.. Miss.. can i know your name?"  diretsong tanong ko sa kanya, napatingin naman sya sakin sa wakas!

"Jessica" walang alinlangan nyang sagot sa tanong ko. napangiti naman ako dahil mukang magiging ok ang takbo ng pagpapakilala ko sa kanya,

I Got Caught [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora