1

175 5 0
                                    

4 years later


Axel's POV

Nagmamaneho ako ngayon at kasama ko si Xandro, kapatid ni Ella. Ayaw na niyang tinatawag ko siyang Little bro, kasi raw big boy na raw siya. Kaya I prefer to call him Xandro.

"Kuya asan kaya nila dinala si Ate ano?" Biglang tanong niya.

"Are you believing your kuya naman diba? That I will find your ate" tumango ito.

"Kuya, mahal mo pa si Ate diba?" Ngumiti ako.

"Oo naman walang nagbago."

"Sana okey lang si Ate" sabi niya. Bumuntong hininga ako. Nakarating na kami sa tapat ng Lex Academy. Dito siya nag aaral ng elementary.

"Wag nang malungkot. Kuya is working hard to find your Ate, diba? Kaya chin up. Dapat studies lanf ang inaalala mo ha. Si kuya na bahal kay Ate." Tumango naman siya.

"Bye Kuya" bumaba na siya ng kotse. Tinignan ko siya hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng gate. Nagmaneho na ako ulit.

4 years na rin since kinuha si Ella. 4 years na rin akong naghahanap sa kanya. Pero kahit halubhugin ko ang buong mundo. Makita ko lang siya.

Nagring ang phone ko at si Marco tumatawag.

"What?"

[Busy ka? Come on pre, make time naman. Tara dito sa Lions Bar. I'll expect you] sabi niya at inend call na ang tawag.

Ano ba ang kailangan non ng ganito ka aga? Nagmaneho ako patungo sa Lions Bar. Bumaba na ako. Napatingin ako ng may bumusina.

"Nagkita rin" sabi ni Chen.

"Long time no see" sabi ko. Lumapit siya sa akin.

"Oo nga eh. Pareho nang busy ang lahat sa kanya-kanyang buhay." Sabi niya. Di na kasi kami nagkakita ng mga Lions.

"Did Marco called you?"

"Oo papunta na sana ako ng company eh."

"Ano kaya ang kailangan non?" biglang may nagsalita. Si Anderson pala.

"Mga Pre" napatingin kami si Hilton pala kasama niya sina Samson at Lawrence.

"Aba? Mga gago" sabi ni Chen. Nag fistbump kami.

"Kamusta naman kayo?" Tanong ko. Nagkibit balikat ang tatlo.

"Wala bang nangyari sa mga buhay niyong tatlo?" Tanong ni Anderson.

"Tsk, mga gago pa rin ba kayo?" Tanong ni Chen.

"Akalain mong ang Lions Bar ganito na" sabi ni Hilton. Napatingin kami. Nagbago nga ito. Mas lumaki at gumanda. Ang elegante niya.

"Pasok na tayo" sabi ko at nag una na akong pumasok.

"Aba parang hindi bar ah" sabi ni Samson.

"Kahit umaga may tao na rito" sabi ni Chen.

"Mga Sir" bati ng empleyado ni Marco.

"Long time no see" sabi ni Anderson.

"Oo nga po mga Sir eh. Matagal rin kayong hindi nagpupunta rito. Si Sir Jude po nasa taas."

"Andoon ang office niya?" Tanong ni Hilton.

"Opo, pag akyat niyo po roon. Ang unang pinto ay ang VIP area niyo po"

"Talaga lang ha" nakangiting sabi ng Lions. Tinap ko lang ang balikat ng empleyado ni Marco at naglakad na kami patungo sa taas. Binuksan ko ito.

"Wow! Sosyal ha" sabi ng mga Lions. Di na siya round couch lang at glass center table na gaya ng dati. Ito, may kanya-kanyang sofa chair. Malaking glass center table. May tv sa gilid. Sa harapan naman ay malaking glass wall na makikita mo ang nasa baba.

Cruel LoveWhere stories live. Discover now