9

63 2 0
                                    

Naghintay ako rito sa bahay dahil nga darating si Ella ngayon.

Nakapagluto na rin ako ng breakfast. Oo ako nga ang nagluto kasi lahat ng katulong namin ay pinag-leave ko muna sa trabaho nila.

Baka makita pa nila si Ella at masabi nila kina Mom at Dad pati na kay Xandro. They deserve to know na nakita ko na si Ella but not this kind of situation.

Lalo na si Xandro, masasaktan lang siya pagnalaman niya na hindi siya kilala ng Ate niya.

"Axel" boses iyon ni Alicia.

"Alicia" sabay labas ng bahay. Kakababa lang niya sa taxi habang may dalang paper bag.

"Inagahan mo talaga ha." bumeso siya sa akin at kinuha ko ang dala niya.

"Syempre naman, excited na kaya akong makita si Alex." sabi niya. Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Wala paba siya?" tanong niya.

"Wala pa pero sinabi niya na pupunta siya kaya pupunta yun." sabi ko.

"Ano naman ito?" tanong ko. Sabay lapag ng paper bag sa center table rito sa sala.

"Well, album yan, andiyan ang mga pictures namin. Baka lang kasi makatulong." sabi niya. Tumango ako ng maya maya lang ay may kumatok.

"It must be her." sabi ko at naglakad na patungo sa may pinto at di nga ako nagkamali, siya nga.

"Ella" sabay yakap sa kanya. "It's good you came." di siya yumakap pabalik sa akin. I look at her, she awkwardly smile.

"I apologize."

"Yeah, sorry, it's just that--"

"Alexxx!!!" sigaw ni Alicia sabay yakap ni Ella ng mahigpit.

"Gaga, miss na miss na miss na miss na talaga kita." I look at Ella, nagtataka siya.

"Hindi mo ako kilala noh?" tanong ni Alicia sa kanya. Mabilis siyang umiling.

Alicia look at me, I just nod. Then she look at Ella again and smile.

"I'm Alicia" Sabay hawak niya sa kamay ni Ella. "I'm your very very very bestfriend slash sister na rin."

"It's nice to meet you Alicia."

Umiling si Alicia. "Call me Ali. Yan ang tinatawag mo sa akin."

"R-really?"

"Oo, ikaw lang ang tumatawag sa akin niyan." pilit namang ngumiti si Ella.

"Ladies, why don't we get inside. Breakfast?"

"Come on." excited na sabi ni Alicia at hinila na si Ella papasok ng bahay.

Anditi kami ngayon sa dining area. Nilalagyan ko ng pagkain ang pinggan ni Ella at katabi ko siya, si Alicia naman nasa tapat namin.

"So, Lex kamusta ka?" tanong ni Alicia na kinataka naman ni Ella.

"Lex?"

Alicia nodded. "Oo pala, Lex yung tawag ko sa iyo."

"Tapos ikaw, Ella yung tawag mo sa akin?" tanong niya sa akin. I smiled at her and nod.

"Sensya na talaga ha. Di ko talaga matandaan eh." sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Alicia.

"It's fine Lex, so anong work mo?" tanong ni Alicia.

"Housewife." sagot niya.

"You just stayed at home?" tanong ko sa kanya. She nodded.

"Oo, uhm, Mike doesn't want me to get work."

"He's your husband?" tanong ni Alicia na nakataas ang kilay.

"Yes." sagot niya sabay tingin sa akin kaya nag fake smile ako.

"How long you've been married?" tanong ni Alicia. Oo para akong wala lang dito kasi si Alicia ang nagsasalita. Gustuhin ko man kaso di ko rin naman kayang tanungin ang mga tinatanong ni Alicia. Kahit nga ang mga sagot niya di ko rin kayang pakinggan.

"Last year lang kami kinasal." Kumunot naman ang noo ko.

"Last year lang?"

"Oo yun ang sabi niya eh." sabi niya na mas kinakunot ng noo ko.

"Taga rito ba ang husband mo?" tanong ko.

"He was born here but nasa Ilocos siya nakatira kaya andoon rin kami nanirahan." sabi niya. What?

"So, you were saying na nasa Ilocos lang kayo nakatira ever since?" tanong ko.

"Oo" sagot niya at napayukom ako sa kamao ko. Tinignan ako ni Alicia na sini-senyasan na kumalma ako.

How can I get calm kung sa apat na taon kung pinapahanap si Ella. Nagpahanap na ako sa kanya pati na sa ibang bansa wala siya and all this time, andito lang pala siya sa Pilipinas.

"I heard businessman ang husband mo Lex." pagbabasag ni Alicia ng katahimikan.

"Ah Oo, he's uncle pass the position to him."

"I'm a businessman too, I heard nasa ibang bansa siya nakabase pero sabi mo nasa Ilocos kayo?" tanong ko.

"Siya lang naman ang nasa ibang bansa."

"Ano? Diba mag asawa kayo?" tanong ni Alicia.

"Hindi niya ako sinasama sa businesstrip niya o kahit sa ibang bansa eh. Pag sinasabi ko na sama ako. Sinasabi lang niya lagi na bawal akong lumabas ng bansa dahil delikado raw."

"He told you that?" tanong ko habang naka taas ang kilay. She nodded.

"So, while his there sa ibang bansa. Ikaw nasa Ilocos lang?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo, ngayon nga lang ako nakalabas ng bahay at nakarating sa ibang lugar eh." sabi niya.

Tinapos na muna namin ang pagkain at habang nasa sala sina Alicia at Ella nag uusap. Ako naman ito, tinatawagan ko ang investigator na pinagkakatiwalaan ko.

Inutusan ko siyang mag imbestigar sa Ilocos. Alam kong malaki ang Ilocos pero wala akong pakialam. Babayaran ko naman din sila ng malaki pag ayos ang trabaho nila.

Sapat na sa akin yung nalaman ko kanina. Sinabihan ko na rin si Alicia na wag na magtanong ng kung ano-ano kay Ella dahil na pansin ko siya kanina na medyo balisa siya at laging yumuyuko at umiinom ng tubig. Yung parang takot at kinakabahan.

I know she feel so much awkwardness dahil nga para sa kanya. Totally stranger kaming dalawa ni Alicia pero ngayon sa tingin ko. Nakikipagsabayan siya ni Alicia dahil ngumingiti siya rito.

Cruel LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum