16

71 3 0
                                    

Andito ako ngayon nakaupo sa hallway dahil pagkatapos ng tatlong oras tsaka ko pa pwedeng makita si Ella.

"Insan." napatingin ako kay Insan at tumayo na rin ako.

"How's your Ella?"

"She is fine but she needs to be rehab soon." sabi ko. Tumango siya.

"Did you see her?"

"Within three hours pa."

"Okey, may time pa. You should go to the Pulis Station." sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Makukulong ba ako dahil pinatay ko ang demonyong iyon?" tanong ko. Umiling siya.

"I think you should go Insan. Ako muna bahala rito." sabi niya sabay bigay sa akin ng susi.

"Do I really have to?"

"You should." sabi niya kaya tumango ako.

"Babalik din ako agad." sabi ko sa kanya. Lumabas na ako ng hospital at pinindot ko ang susi at napatingin ako sa kotse na tumunog kaya doon ako lumapit. Binuksan ko ang pinto at sumakay na. Nagtanong ako kung saan ang Pulis Station at ng makarating ako roon. Ang daming taga media at mga tao. Ano bang nangyayari?

Nagpark ako at bumaba na. May lumapit na pulis sa akin.

"Sir, kayo po ba si Sir Axel?" tanong niya.

"Yes"

"Tara po sa loob." sabi niya at naglakad kami patungo sa napakaraming tao.

"Excuse, excuse." tinatabi niya ng mga tao para makadaan kami. Sinenyasan niya ang dalawang pulis kaya binuksan nito ang pinto at pumasok na ako. Sobrang nag ingay naman ang mga tao at taga media sa labas kaya dali dali ring sinarado ang pinto.

"This way po." sumunod ako sa kanya at nakarating kami sa isang office. Office ng Chief.

"Andito na po siya."

Napatingin naman sa akin ang isang di naman gaano ka tanda na lalaki . Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Ako si Mayor Roy Cortillas." sabay abot ng kamay niya.

"Axel Scherzinger." sabay shakehands ng kamay niya.

"Bakit ako andito? Makukulong ba ako dahil pinatay ko yung demonyong iyon?" tanong ko.

Napatingin ako kay Nico ng makapasok siya sa loob ng opisina na may dalawang pulis na nakasunod.

"Hindi, ako yung makukulong." sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"I already confess. Kaya magpapakulong ako because of kidnapping and sexual harassment." sabi niya. I look at his father.

"My son made a huge mistake and as his father not just a Mayor. Kailangan niyang managot sa batas."

"Sobrang guilty ako sa ginawa ko Axel. Lalo pat alam ko na ako ang pinakarason kung bakit nagkaganyan si Alex. Kasi hindi siya mapapahamak kung hindi ko siya kinidnap, di rin sana siya kinidnap ni Mike at ginawan ng masama." lumuhod siya sa harap ko.

"Kahit di mo ako patawarin Axel, tatanggapin ko. Basta, taos puso akong naghihingi ng tawad saiyo. Lalong-lalo na kay Alex." di ako nagsalita.

"Sige na." sabi ng ama niya. Tumayo siya at nagpapusas tsaka siya umalis.

"As a businessman, alam ko na may reputasyon ka at sobrang malaking eskandalo ito sa pangalan mo kaya makakaasa ka na tayo lang ang nakakaalam sa nangyari. Walang ibang makakaalam." sabi niya sa akin.

"Salamat. Is he gonna be in jail forever?"

"I don't know pero matagal-tagal rin siyang andoon sa kulungan." I nodded.

"I'm very sorry because of what happen to your fiance." hinging tawad niya.
Tumango lang ako at nagpaalam na.



---


Nakabalik na ako sa hospital at sinalubong ako ni Insan.

"Tara na. Pinalipat ko nasa private room si Ella mo."

"Thanks Insan." naglakad kami sa elevator at sumakay. Pinindot niya kung saang floor ang room ni Ella at ng makarating kami ay nauna na siyang maglakad. Siya rin ang nagbukas ng pinto ng room ni Ella.

Agad akong lumapit kay Ella. I hold her hand and kiss it.

"Ella, andito na ako." sabi ko sa kanya.

"Ayos lang ba saiyo that I made a decision na dito muna magpagaling si Ella mo then after uuwi na tayo at doon siya ipa rehab?"  tanong ni Insan sa akin. I look at him.

"Ayos lang." I look at Ella again. Tumutulo ang luha ko habang tinitignan ang mga braso niya na puno ng pasa at sugat.

"I'll be quick may aasikasuhin lang muna ako. Do you want something to eat?" tanong niya, umiling lang ako.

"I'll be back." sabay labas ng room.

Nag ring yung phone ko. I grab it at sinagot ang tawag ni Alicia.

[Hey, kamusta, nakuha mo na ba si Alex?]

"Yes"

[Bat ganyan ang boses mo. Is there something wrong?]

"I'll just tell when we go back."

[Kailan?]

"Soon"

[Axel, may nangyari ba?]

"Sige na Alicia, malapit ng ma-lowbat ang phone ko. Ikaw muna bahala kay Xandro." sabay inend call. Hindi ko na siya pinagsalita pa kasi magtatanong at magtatanong lang din naman siya. Tsaka hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari kay Ella. Una, dahil hindi ko alam paano sasabihin. Pangalawa, pagsinabi ko at masabi rin niya kay Mom at Dad. Alam ko na masasaktan sila at makikita iyon ni Xandro. Pangatlo, pagmalaman ni Xandro ang tungkol sa Ate niya masasaktan rin siya. Ayaw kong masaktan siya lalo na pagtraumatizing ang sitwasyon kasi ayaw ko na bumalik ang trauma niya ki bata-bata pa niya.

Cruel LoveWhere stories live. Discover now