23

107 2 0
                                    

Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko at napatingin sa ulo na nasa may dibdib ko.

"E-Ella" mahinang sambit ko.

"Hmmm" gumalaw siya.

"Ella" sambit ko ulit sa pangalan niya at this time minulat niya ang mga mata niya at niyakap ako.

"Luis" umiiyak siya. Naaalala na niya ako.

"Akala ko wala kana" umiiyak niyang sabi. Hinaplos ko ang buhok.

"How are you?" tanong ko.

"I'm better now pero may weekly check up pa ako para monitor lang." sabi niya habang nakayakap parin sa akin.

"It's good to hear that."

She look at me. "I love you." sambit niya na kinangiti ko.

I caressed her right face. "I love you more Ella." she kiss me and I really miss her. Tumulo ang luha ko at pinunasan naman niya iyon.

"Ikaw na naman ang magpagaling ah." sabi niya sa akin. Ngumiti ako at tumango.

"It's good dahil bumalik kana sa akin." sabi niya. I kiss her hand at napangiti ako dahil suot suot niya ang engagement ring.

"Di ako pwede mamatay dahil babalik pa ako saiyo." sabi ko. She caressed my face and kiss my forehead.

"Tawagan ko lang si Tita mo ha. Sabihin ko na gising kana. Wait lang." sabi niya at lumabas na ng room.









----










Andito ngayon si Mom at Dad kasama si Xandro.

"Kuya, wag mo ng ulitin yun ha." umiiyak niyang sabi. Nasa tabi ko siya ngayon habang yakap ako.

"Sorry" I kiss his head.

"Jusko, ikaw talagang bata ka. Pinag alala mo kami ng husto." inis na sabi ni Mom.

"Sorry Mom." she kiss me at my forehead.

"But it's fine now dahil okey kana."

"Alam mo naman ang Mom mo, Son. Sobrang umiyak ng mabalitaan ang nangyari." sabi ni Dad.

"I love you guys." sabi ko. Pumasok si Ella kasama si Tita.

"Wow! Mukhang okey kana ha."

"Hi Tita."

"Hays, mga lokong mga bata oo." napailing na sabi ni Tita. Napangiti naman ako.

"Day after tomorrow pwede ka ng makauwi." sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Nag usap sina Tita, Mom at Dad. Habang kaming tatlo ni Ella at Xandro katabi ko sila ngayon. Sa right side si Ella at sa left side ko si Xandro.

"Kuya, hindi na tayo nakakapaglaro ng basketball."

"Hindi pa pwedeng maglaro si Kuya mo kasi may mga tahi siya baka bumuka." sabi ni Ella.

"Ay Oo pala" sumimangot naman siya.

"Next time, sos maraming next time." sabi ko.

"Okey po." ngumiti ako. I look at Ella.

"Pag uwi natin. Magpahinga ka ha. Ilang araw ka nang hindi nakakapagpahinga ng mabuti dahil nakabantay ka sa akin." sabi ko. Tumango naman siya at hinalikan siya sa pisngi.















----














Discharge na ako at ang ibang Lions rin. Pagka uwi namin ay pinagpahinga ko agad si Ella at dahil di naman ako papayagan nina Dad na magtrabaho sa company muna kaya dito nalang muna ako sa bahay magta-trabaho.

Si Insan pala ay ang hindi pa nakauwi dahil hindi pa siya maayos kaya cooperate kaming lahat ng Lions na magbantay kay Insan. Ang girls naman kay Veatrice kung saan ay na-admit rin siya sa over fatigue.

May surprisa ang mga girls para kina Insan at Veatrice ng magising na si Insan at ayos na si Veatrice.

Sinupresa nila ito ng Welcome Party para kay Insan at Baby shower para kay Veatrice dahil buntis siya sa second child nila. I'm so happy for them tulad namin di rin naging madali ang pag-iibigan nila at masaya ako dahil na uwi rin ito sa kasalan.
















----















Ito kami ngayon ni Ella nakasakay sa private plane namin. Ni-regaluhan kami ng vacation trip Dad as his promise kaya pupunta kami ng Miami.

"Naalala mo yung dinala kita sa Miami noon?" tanong ko sa kanya.

"Oo kaya, pinilit mo nga akong sumama eh."

"Well, gustong-gusto lang talaga kitang makasama noon."

"Patay na patay ka sa akin eh kaya yun." napangiti naman ako.

"That's true, at yun ay dahil sa unang pag halik ko palang saiyo. Alam ko na ito ang babaeng gustong-gusto ko."

She smiled. "Thank You Luis. Thank you, thank you, thank you sa lahat lahat."

"Ella."

"Thank you for loving me so much. Hindi mo rin ako pinabayaan at sinukuan. Kaya thank you mahal ko." Sabay bigay ng halik sa akin.

"I love you so much that's why."

"Then I'm very lucky to have you."

I cup her face. "I really miss you."

"I know." sabi niya habang nakangiti. I kiss her saglit lang naman.

Nakarating na kami sa Miami at same hotel, saan pa sa HAWKS HOTEL. Natawa nga siya dahil same room parin ang suite namin ngayon. Naalala pa pala niya talaga.

"Hmmm sobrang ganda talaga." sabi niya habang nakatingin sa ocean view. Andito na kami sa suite namin.

"It's good to be back here." sabi ko habang niyakap siya mula sa likod niya.

"Can we make love now?" tanong ko. Napangiti naman siya.

"Kakarating lang natin. Di kaba pagod?"

"Hindi" mabilis kong sabi. She face me while nakataas ang kilay.

"Kumain na muna tayo ha." sabi niya.

"Sige, bubusugin kita then mamaya kakainin kita." pilyong sabi ko. Hinampas niya ako.

"Mapilyo ka ha hind ko alam." nakangiting sabi niya at tumawa lang ako.

Naligo na kami at nagbihis na rin. May nakareserve na dinner para sa amin and have a nice dinner spot nasa may beach.

Pagkatapos naming kumain ay sumayaw kami ng sweet dance.

"I love you Ella." sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"I love you too Luis." I kiss her forehead then I kiss her lips while we're dancing.

Cruel love, we experience it in our love story pero narealize ko na kahit ano palang klaseng pag-iibigan ang meron kayo. Nasusukat lang ang talaga ang tunay mong pagmamahal sa panahon na akala mo hindi mo na kaya, yung sukong-suko kana pero kung totoong mahal mo ang isang tao. Hinding-hindi mo siya kayang sukoan lalo na sa pinaka-worst na nangyari o mangyayari.










The End












***






Thank you for reading and supporting my stories. Thank you rin sa pag support sa story nina Alex at Axel.










@mababymanhid

Cruel LoveWhere stories live. Discover now