22

81 2 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas ay bumisita ako kay Ella. Sa loob ng ilang buwan ay unti-unti na naman siyang nagiging okey. Hindi na siya nagwawala but minsan nakatulala siya at tahimik. Excite akong bumisita sa kanya ngayon dahil sabi ni Doc pwede ko na raw siyang ma approach.

Nakarating ako sa Rehabilitation Center at ginuide ako ng Nurse at dinala niya ako sa isang park rito sa likod ng center.

"Ayun po si Miss Alex." sabay turo niya kay Ella na nakaupo sa bench sa may ilalim ng puno.

"Thanks"

Naglakad na ako patungo sa kanya at bumuntong hininga ako.

"Hi Ella." bati ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Ako to si Luis."

"Luis?"

"Oo, Luis, nakikilala mo ba ako?" tanong ko. Nagkibitbalikat siya. Bumuntong hininga ako.

"Pwede ba akong umupo?" tanong ko. Dahan dahan naman siyang tumango. Tumabi ako sa kanya at napatingin ako sa tinitignan niya kanina.

"Ang ganda naman dito." sabi ko, well maganda naman talaga ang garden.

"May tinanim ako diyan ako." sabi niya.

"Talaga?" tumango siya.

"Kamusta ka?" tanong ko.

"Ayos lang naman."

"Kilala mo si Ali?" tanong ko. Tumango siya. Chineck siya ni Tita, sabi ni Tita kailangan siyang operation dahil may blood clut raw at ito yung cause kung bakit hindi wala siyang makilala dati.

Naging ayos naman ang operation pero si Ali pa lang ang naalala niya. Advice ni Tita ay dahan dahan lang siyang papaalahanin para hindi ma-shock yung utak niya at baka mahirapan siyang makarecover.

Si Mom at Dad ay hindi pa rin niya maalala pero naiintindihan naman iyon nila.

"Boyfriend ka niya?" tanong niya sa akin na kinangiti ko.

Umiling ako. "Hindi" tumango siya.

"Sino ka nga ulit?" tanong niya sa akin.

"Luis." tumango siya.

"Kilala ba kita?" tanong niya. Tumango ako.

"I'm your fiance" sabi ko. Tinignan lang niya ako.

"Here" sabay hugot sa bulsa ko ng bigla siyang tumayo.

"Ano yan?" takot niyang tanong. Tumayo ako.

"No, hindi kita sasaktan." sabi ko. Lumunok siya.

"Eh ano yan?"

"Sing-sing" sabi ko sabay labas ng engagement niya na nilagay ko sa bulsa ko kasi kung eh kukuwentas ko baka mawala.

"Sing-sing?"

"Oo, engagement ring" lumapit ako sa kanya ng dahan dahan.

"Pwede ko banag hawakan ang kamay mo?" tanong ko. Dahan dahan siyang tumango.

I hold her hand and I just smiled dahil sobrang na miss ko ang hawakan siya. Dahan dahan ko namang sinuot sa kanya ang engagement ring at hinalikan ang kamay niya.

I look at her. "It belongs to you." sabi ko. Tinignan niya ito at napangiti siya.

"Maganda" sabi niya.

"Gaya mo" sabi ko habang nakatitig sa kanya. Nahiya naman siya.

"Ella" napatingin siya sa akin. Niyakap ko siya at naramdaman ko na nagulat siya kaya napabitaw ako agad.

"I'm sorry." hinging tawad ko. Nag iwas siya ng tingin.

"Can I hug you again?" tanong ko. Tumango siya kaya niyakap ko siya ulit.

"Magpagaling ka ha. Ayos lang kung di mo pa naaalala lahat basta magpagaling ka lang para makalabas kana rito at uuwi na tayu." sabi ko. Naririnig lang siya habang hindi yumakap pabalik sa akin.

"But I guess hindi tayo makakauwi ng sabay dahil may kailangan akong puntahan. Malayo at baka matagalan ako doon pero pangako ko na babalik ako at sana pagbalik ko. Magaling kana at nasa bahay kana pagbalik ko."

I look ate her and cup her face. "I love you Ella." sabay halik sa noo niya.
















---
















Andito ako ngayon sa private plane ni Insan kasama ang Lions at iba pa. Kailangan namin pumunta sa Germany dahil andoon ang mag iina ni Insan.

"Bro." napatingin ako kay Anderson.

"Nakapagpaalam kaba kay Alicia?" tanong ko. Umiling siya habang naka fake smile.

"She won't talk to me kaya nag iwan nalang ako ng sulat at bulaklak sa harap ng pintuan niya." tumango ako.

"Bumisita ka kay Alex?"

"Yeah"

"How's she?"

"Good"

"Sounds great."

"But still, she don't remember me."

"Ayos na muna na ganyan sa ngayon Bro. Baka pagbalik natin, masurprise ka nalang dahil kilala ka na niya ulit. Sasalubungin ka niya ng yakap at halik, diba?" nakangiting sabi niya sa akin.

I just smile. "Kailangan pala nating umuwi ng buhay." sabi ko na kinangiti rin niya at tumango.

"I hope she is doing fine right now."

"Tiwala lang tsaka andoon naman si Alicia eh. Hindi niya papabayaan si Alex."

"Right, thanks bro" sabi ko at nagfist bump kami. Tumayo na siya at lumipat ng upuan.

"Scherzinger." this time si Hawkins naman ang umupo sa tapat ko.

"Balita ko may kapatid ka raw?" tanong ko. He smiled.

"Hmmm, meron nga ba." then nagkuwentuhan kami about doon hanggang sa napagkuwentuhan na namin ang tungkol kay Ella.

"I feel your pain bro. Noon, nung natrauma din si Raven nung minulisya siya. Sos, ewan ko nalang talaga."

"Para ka ngang makakapatay nun eh." sabi ko.

"Yeah, asawa ko kaya yun. But unlike sa pain na dinanas ko mas grabe yung saiyo."

"Yeah, so cruel." sabi ko.

"They don't deserve that at all." umiiling na sabi niya. Tumango ako bilang pag agree.

"How are you?" tanong ko sa kanya. Nag smile pero ang lungkot ng mata niya.

"Nagkita kami"

"Really?"

"Yup, sa Beijing, may event na ginanap and need ng cooperation namin. Hotel Industry partners." sabi niya.

"What happen in Beijing?" nagkibit-balikat siya.

"You really miss her" sabi ko. Bumuntong hininga siya.

"But she already have a boyfriend." sabi niya.

"Really? Kamusta ang puso mo?"

"Wala, dust na, dati durog durog pa pero ngayon wala dust na." napangiti naman ako sa joke niya.

"We need to stay alive and come home." sabi ko.

"Sana may uuwian ako gaya mo, kaso wala." malungkot niyang sabi.

"Nah, I bet meron, tiwala lang. Baka may miracle na maganap."

"Hahah, ano naman?"

"Maging kayo ulit."

"Sana nga, pero baka sa salitang sana lang talaga kami."

Nagkibit-balikat ako sa kanya.

"Hintay lang Ella, babalik ako." sambit ko sa utak ko habang iniisip si Ella.

Cruel LoveWhere stories live. Discover now