Epilogue

138 5 0
                                    

Nakaalalay lang si Alex kay Xandro na ngayon ay karga ang anak nina Alex at Axel. Andito sila ngayon sa terrace.

"Ate, he's so tiny." gigil na sabi ni Xandro. Ngumuti si Alex.

"He is kaya be gentle lang." tumango naman ang kapatid niya.

"I'm here" sabi ni Axel na kadarating lang na may dalang pagkain.

Nilagay na muna niya ang dala niya sa isang table at lumapit sa asawa niya.

"How's my wife?" tanong ni Axel sabay halik kay Alex.

"I'm fine, anong dala mo?"

"Pagkain, bilin ni Xandro yan sa akin kanina eh." sabay lapit kay Xandro na tuwid na tuwid lang nakatayo habang karga ang pamangkin niya.

"You okey buddy?" tanong ni Axel kay Xandro.

"Kuya, ikaw na oh. Ang tiny kasi niya eh natatakot ako baka mahulog." sabi niya na kinangiti ni Axel. Dahan dahan namang kinuha ni Axel ang anak at kinarga na sa bisig niya.

"Masasanay ka rin"

"Siguro pag malaki laki na siya Kuya." nakangiting sabi ni Xandro. Ginulo naman ni Axel ang buhok ni Xandro.

"Andoon na ang pagkain na bilin mo."

"Thank you Kuya." nakangiting sabi ni Xandro at naglakad na patungo sa table kung saan nakapatong ang pagkain na dala ni Axel.

Lumapit si Alex sa mag ama niya tsaka niya hinalikan sa pisngi ang asawa.

"Kamukhang-kamukha mo siya Ella." sabi ni Axel na kinangiti ni Alex.

"Wag mo nga akong ngitian ng ganyan." may pagtatampo sa tono ni Axel na kinangiti lalo ni Alex.

"Sorry naman kasi kung mukha ni Xandro ang pinaglihian ko."

"Kaya nga eh, ako ang ama pero ang Uncle ang kamukha." pagtatampo ni Axel habang nakatingin sa anak.

"Bakit kuya, gwapo naman ako ah. So gwapo rin---"

"Shhh ang ingay mo Xandro." pagpapatahimik ni Axel kay Xandro. Napailing habang nakangiti si Alex.

"Hello, hello mga anak." masayang sabi ng Mom ni Axel kasunod ang Dad niya.

"Hi Mom, kailan po kayo nakabalik?" tanong ni Alex ng bumeso siya sa Mom ni Axel.

"Hi Alex anak."

"Mom" sabay halik ni Axel sa pisngi ng ina.

"Kaninang madaling araw lang pero itong ama niyo. Tumatanda na kaya kailangan muna namin magpahinga bago bumiyahe papunta rito." nakangiting sabi nito.

"Hi, Dad" hinalikan ng ama ni Axel si Alex sa noo.

"Hi, anak."

"Dad" nag fist bump lang sina Axel at ama niya.

"Naku wag kayong maniwala sa Mom niyo. She's always like that, para bang ako lang ang matanda sa aming dalawa." Napangiti naman sina Axel at Alex.

"Mom, Dad, he's so tiny po talaga." sabi ni Xandro.

"Oh you carry little Axel?" nakangiting tanong ng Mom ni Axel kay Xandro.

"Yes Mom"

"Nakatayo siya kanina Mom, Dad peor sobra nga niyang tuwid habang karga---"

Naputol ang sasabihin ni Alex ng magsalita si Xandro na kinatawa ng lahat.

"Baka mahulog, makagawa pa kayo ng bago."

"Loko ka talaga." sabay pitik ni Alex sa noo ng kapatid.

Binigay ni Axel ang anak sa Mom niya dahil kanina pa ito gustong-gusto makarga ang apo. Habang nasa grandparents ang anak nina Axel at Alex kasama na roon si Xandro.

Sina Axel at Alex ay pumunta sa kuwarto. Nagbibihis si Axel dahil kakarating lang niya, diba. Nakaupo naman sa kama si Alex.

"Ano pala ang gagawin natin sa birthday ni Xandro?" tanong ni Alex. Lumabas si Axel sa walk-in closet nila na nakabihis na ng pambahay.

"Gusto mo bang magpa-party?" tanong ni Axel sa asawa.

Umiling si Alex. "Party na naman?"

Umupo rin si Axel sa kama katabi ang asawa.

"Ano bang gusto mo?"

"Lagi nalang tayo nagpa-party tuwing birthday niya eh. Tsaka binata na siya."

"Yeah"

Nag isip naman sina Alex at Axel.

"Why not, konting salu-salo lang." sabi ni Axel. Napatingin si Alex sa asawa.

"Then?"

"Then, kung ayaw mo ng bonggang party. Edi bonggang regalo nalang."

"Okay, and ano naman ang eh re-regalo natin?" tanong ni Alex.

Ngumiti si Axel na kinakunot ng noo ni Alex.

"Luis, anong regalo?"

"Ako na bahala." sabay halik sa asawa niya. Tumayo na si Axel at nakakunot lang ang noo ni Alex na nakaupo habang nakatingin sa asawa.

"Ella, bakit?" nakangiting tanong nito. Tumayo si Alex.

"Kinakabahan ako nung sinabi mong bongga eh."

Umakbay si Axel sa kanya and hinalikan siya sa gilid ng noo.

"Don't mind it na, basta ako na bahala."

Naglalakad na sila pababa at bumalik na sa terrace ng madatnan na ang Dad ni Axel ngayon ang nakakarga sa apo nito.
Habang si Xandro ay sinusubuan ng pagkain ang Mom ni Axel habang nakangiti.

"I really love this family." bulong ni Axel sa asawa na sobrang laki ng ngiti.

"I love you Luis."

"I love you Ella, I love you so much." sabay halik nito ng madalian sa labi at sa kamay. Tsaka na sila lumapit sa family nila.






♥️♥️♥️







Thank you po sa pagbabasa ng story nina Axel at Alex. Lovelots po!







Mababymanhid












★★★








Sana rin po supportahan at mabigyan ninyo ng oras ang na mabasa ang ibang stories ng Lions.
Salamat po♥️

Cruel LoveWhere stories live. Discover now