CHAPTER 1

30 6 0
                                    

"Siguro tapusin na natin dito ngayon kung ano man ang meron tayo" sabi ko habang nakayuko at  nakasandal sa pader 


"A-ano? pinapunta mo bako dito sa likuran ng campus para maki pag break?" Hindi maka-paniwalang sabi ni Jayrine, my girlfriend.


actually ex ko na s'ya sa mga oras na'to.


"Yeah, ayaw mo non? hindi kana mapapagalitan ng magulang mo. Hindi naman sila boto sa akin" prangkang  sagot ko habang nakayuko parin. 


Totoo naman kase hindi boto sakin ang mga magulang nya dahil nababalitaan daw nila na isa akong mangloloko ng babae kala mo naman boto ako na maging parent-in-law ko sila.


'Biro lang may respeto din ako no'


"Sige na baka nasa room nyo na yung next teacher mo" sabi ko saka ko s'ya tiningnan at pinakitang desidido na talaga akong makipag break. Mag lalakad na sana ako papalayo pero narinig kong nag salita muli si Jayrine kaya napatigil ako



"Hindi kaba mag babago Jhanixe? kilalang kilala ka sa halos buong school dahil sa pagiging babaero mo hindi kaba nag sasawa sa mga kagaguhan mo?" mangiyak - ngiyak nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko na para bang umaasang mag babago ang isip ko dahil sa awa


"Hindi." simple kong sagot "Hindi ko pipiliting baguhin ang sarili ko, panahon na ang bahala kung mag babago ako o hindi. Kung ganto ako pinanganak edi ganto" nakakaloko kong sabi sa harap nya


"Wala akong pakialam kung hindi boto sayo sila mommy...Jhanixe ako ang mag mamahal sayo at hindi sila" sagot ni Jayrine


"Mahirap mabuhay sa buhay na hindi supportado ng pamilya mo, bata kapa Jayrine" kalmado kong sabi, marami ang nag sasabing napaka bata ni Jayrine para sa akin ikaw ba naman makakita ng grade 9 at grade 12 sa isang relasyon


 "Salamat sa 2 weeks na appreciate ko naman, don't worry we're still friends...Bumalik kana sa classroom mo may 10 minutes lunch break pa ako" nakangiti kong sabi saka tumalikod at tuloy tuloy na nag lakad palayo


Bakit nga ba na punta sa ganto?


Hindi ko nga alam pano nag simula lahat eh basta ang alam ko noong nakalipas na dalawang  linggo halos hatid sundo ko na s'ya sa pag pasok at lagi kaming mag kasama.Kailangan ay lagi ko siyang samahan sa mga bagay dahil sobrang bilis nyang magalit at mag selos, hindi ko siya maintindihan kaya mas pinili kong tapusin na tutal wala namang mapupuntahan relasyon namin


Matagal na akong mag aaral dito sa ECPU habang bagu-baguhan palang 'tong si Jayrine


Habang nag lalakad palayo naisipan kong pumunta muna at tumambay sa basketball court ng school na parang walang nangyari ,  ako lang mag isa dito sa court kaya dito ko nalang din hihintayin ang mga kaibigan ko na mga nasa klase pa. Malalaman naman siguro nila na nandito ako kung mag tatanong tanong sila d'yan sa mga tao sa labas


Mag kaiba ba kami ng grade at section kaya nauna akong nakalabas sa classroom?


My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now