CHAPTER 2

24 5 1
                                    


NAGPATULOY AKO sa pag lalakad hanggang sa madating ko na ang pwesto ng mga kaibigan ko.


Napansin ko na parang nag iiwas sila nang tingin sakin o talagang nag fofocus lang sila sa pag kain.


'Ganon ba epekto ni Miss Aquino kaya nagutom 'tong mga to?'


"Good afternoon" sabi ko ng may matamis na ngiti mula sa gwapo kong muka, umupo ako sa tabi ni Kelvin saka s'ya inakbayan pero hindi n'ya ako pinansin at nag tuloy lang sa pag kain.Nakita kong tumingin sakin si Eina pati si Shane... they gave me a disappointed look na para bang isa akong tao na walang kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid ko. 


'Bakit halos lahat ng babae may katarayan, dahil ba sa sobrang gwapo ko?'


"Ba't ganyan mga tingin n'yo? ano na naman" sabi ko saka sila pinag kunutan ng noo


"Base on my list." pagbasag ni Victor sa katahimikan ng table namin. "Jayrine is the 8th ex of the one and only Jhanixe, and she has the rank 2 of the longest relationship with Jhanixe so far." dagdag pa nito kung sabihin nya iyon ay para bang may pustahan na nagaganap.


'Tingnan n'yo... kani-kanina lang nangyari 'yon pero kumalat agad sa buong school'


"Anong 8th ex's ulol grabe." pag tanggi ko sakanya.


"Gusto mo pangalanan ko pa lahat?" pang aasar nya pa kaya naman pinag lakihan ko siya ng mata. "From rank 1 to rank 8 they are Christine, Jayrine, yung mag kapatid na Shanti at Shantal, Princess, Pixiy, Kyliel and the last one na umabot lang ng 75 hours or 3 days na si Lea.. Any excuses Mr. Ferrando?" Malumanay niyang pag kasabi na parang calculado nya lahat ng galawan ko.


"Sabi ko na eh 'di kayo mag tatagal non. She looks so immature para sayo" sabat ni Eina


"Chismis creator ka talaga no? pinag uusapan ka na naman dito sa campus" si Shane na katabi ni Eina "Ilang araw ba relasyon ni Christine dito?" sabat ni Shane habang nakaturo sa akin at nakataas ang isa nyang paa sa upuan.


'Chismosang tomboy...'


"Sit properly Shane, you're wearing skirt," malumanay na sabi ni Christian habang nakatingin sa pag kain at nakikinig sa amin.


Shane Del Mahor , yan ang tinatawag na side-kick ko hindi side chick nakakadiri, halatang mag ka close kami sa mga bagay bagay  dahil may pag ka tibo ang isang 'to... noon nga ay gusto n'yang sumali sa basketball team dahil nandoon kami ni Christian at Victor , pero hindi siya pinayagan dahil wala namang women's division ang basketball dito.


Christian James Levine , kung ako ang tatanungin aminado akong si Christian ang isa sa mga kadalasang  'Ideal Type'  babae Matalino,gentleman at may kagwapuhan,in-short maraming nag sasabing si Christian lang daw ang matino saming mag kakaibigan


"1 month sakto." simpleng sagot ni Kelvin sa tanong ni Shane.


My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now