CHAPTER 4

20 3 0
                                    

"I CAN'T BELIEVE na inuna n'yo pa ang mga ganyang gawain kesa sa pag aaral ninyo!" galit na sabi ng principal saamin.


Samantalang kami ay mag kakatabi at pare-parehas na nakayuko dahil sa hiya sa harap kasi namin nakaupo sina Sir Fajardo at si Ma'am Vezando na adviser namin.


Buti nalang at hindi pinatawag agad ang mga magulang namin dahil malaki at may isip na daw kami para sermonan kasama ang magulang.


" You Christian!" pagtawag ng principal kay Christian kaya naman gulat itong na napa- angat ng tingin.


"Y-yes Ma'am?" tanong nito dahil nakatingin lang sa kanya ang principal.


"I didn't expect that you can do this and also you Kelvin and Victor three of you almost have a clean students record konti lang ang mga gusot ninyo dito sa ECPU!" Hindi maka paniwalang sermon ng principal sa harap ng lahat dito sa office.  


 "You Sheina and Shane ka babae n'yong tao ganyan ang mga pinag gagawa ninyo at mga lalaki pa ang kasama n'yo!" mas nahiya at napayuko sina Eina dahil doon.


"And also you Jhanixe ikaw na naman! It's been  4 days since nakita kita dito at sermonan, ngayon andito ka nanaman? Kulang pa ba ang mga bad records mo dito sa university? Mataas ang grades mo iho.. pero kung ganyan ka umasta hindi ko alam ang magagawa namin sayo." I can hear disappointment sa boses ni Ma'am Gina.


Well it's true sa tagal ko nang nag aaral dito ako ang may mas maraming bad records  kumpara sa kanila halos paramihan kami ni Xyke na mula sa ibang planeta I mean section.


Pero alam nilang kahit na mag pa balik balik ako dito  sa principals office kahit na sermonan ako ng paulit ulit iisa lang ang hinihiling ko sa kanila.


Yun ay ang wag ipatawag ang guardian o parent ko. 


Dahil ang lola ko lang din naman ang sisipo, ayokong mag alala at mabigla s'ya sa mga nangyayari dahil hindi na iyon mabuti sa kanya.


Ano nangyari sa nanay ko? Hindi ko alam.


Ano nangyari sa tatay ko? Hindi ko rin alam.


Basta ang na k-kwento lang sakin ng lola ko ay nasa Maynila sila nag t-trabaho para daw sa pang araw araw namin habang iniwan sa akin at sa tito ko ang nag lalakihang taniman ng palay, ubas at cacao na pag mamay ari pa ng lolo ng lolo namin. Iniwan din nila ako kay lola, pinapadalhan naman nila kami ng pera paminsan minsan dahil malalaking halaga ang naipapadala nila sa amin.


Hindi ako ka-close sa magulang ko aminado ako...pano ba naman kasi halos pera lang ang naiambag nila sa buhay ko. Literal na pera walang halong pag mamahal hindi ko din manlang maramdaman na magulang ko sila o kung ano pa man.


Napaupo ang principal sa swivel chair pagkatapos kaming sermonan isa isa "Nasasanay kayong sumusuway sa rules ng ECPU at baliwala nalang sa inyo ang mga sermon namin." mahinahong sabi nito.


Nakakasawa at sanay narin kasi kami halos paulit ulit lang din naman ang sermon na sinasabi sa amin.

My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now