CHAPTER 8

13 2 0
                                    


"ANO BAYAN JHANIXE PATI SA GENERAL CLEANING LATE KA PARIN!" Salubong sakin ni Victor pag kapasok ko ng canteen.



"Ano bayan Victor pag kapasok na pagkapasok ko boses mo agad narinig ko!" Pag gaya ko naman sa reklamo n'ya.



Tumayo mula sa upuan si Christian, Shane at Victor na nakangisi pa para tulungan ako sa limang plastic bag na may laman na mga sabon at cleaning materials. Pano vinolunteer  pala ako nitong mga animal na'to  kay Ma'am Vezando na ako na daw ang sasagot sa lahat ng materials and supplies para sa general cleaning eh 'di naman ako maka tanggi, nakakahiya na.



Eto rin ang dahilan kung bakit ako nalate dahil marami ang kailangan kong bilhin para hindi kami mag kulang... eh sa laki ba naman ng ECPU.



"Hoy notebook tawagin mo na si lolo Malinis sabihin mo andito na yung mga kelangan para makapag simula na tayo... kakadating ko lang gusto ko na agad umuwi." sabi ko kay Kelvin saka umupo muna para makapag pahinga dahil ngawit na ang ang mga binti ko.



"Lolo Malinis?" takang tanong ni Kelvin. 



"He mean, Sir Juantio the head janitor of school." Paliwanang ni Christian habang nagsusulat sa attendance record ng school, wala kasing scanner ng ID tuwing weekend kasi wala sa office yung nag m-monitor non kaya manually namin kelangan mag attendance ngayon "He's upstairs I think, 2nd floor."



Nagpaalam pa si Kelvin samin bago lumabas ng canteen para sunduin sila Lolo Malinis.



Bakit Lolo Malinis? Dahil malinis s'ya, kaya nga naging head janitor dahil simpleng kalat kinakagalitan n'ya.



Tinulungan ko silang ayusin ang mga gamit para ipamigay sa iba't ibang floor at lugar na lilinisin ngayon.



Wala pang 15 na minuto nakita na namin sina Kelvin kasama si Lolo Malinis  at iba pang  mga janitor para siguro tumulong sa pag bibit bit



"Ay salamat sa palibre Jhanixe." Nakangiti nitong pasalamat sakin... Minsan sweet din naman si Lolo Malinis ...  5 years or more narin s'ya dito sa ECPU nag t-trabaho kaya deserve din n'ya  yang position n'ya.



"Walang anuman po," Nakangiti ko ring sabi sa kanya "Mamayang lunch si Sheina naman daw po mang lilibre." Bigla kong dagdag kaya naman pinanlakihan ako ng mata ni Eina na nasa likod ni Lolo Malinis dahil nag-aayos ito ng mga gamit.



"Aba't totoo ba iyon hija?" Lingon naman ni Lolo Malinis kay Eina kaya nakuha n'ya ang atensyon nito.

My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now