CHAPTER 12

4 1 0
                                    


"SAMAHAN N'YO naman ako dito oh bored na bored nako"  pakiusap ko kila Shane  na nasa kabilang linya ng tawag.



Ako ang nag iisang istudyante na vinolunteer para sa General cleaning ngayong Linggo katulad ng napag usapan saktong 7:30 ay nakarating na ako dito sa library ng ECPU



May kalakihan din ang library ng ECPU nahahati ito as dalawang sections sa kabila ay library ng mga nasa elementary at junior high samantalang yung isa naman kung nasaan ako ngayon ay library para sa mga senior high at college 



Malapit na mag 8:00 pero di parin kami nag sisimula dahil daw na late at nasiraan pa daw ang truck na may dala ng mga bagong set ng ibat ibang libro. Halos 30 minuto nako nag hihintay dito sa gilid kaya buryong buryo nako



Naisipan kong tumawag sa gc naming mag kakaibigan para mag pasama para narin may kakwentuhan ako dito dahil hindi ako maka relate sa usapan ng mga matatanda kong kasama, ngiti at tango nalang ang sagot ko sa kanila


.

"Matutulog pa'ko" sabi ni Shane sa kabilang linya habang humihikab pa



"Bibisitahin namin lola ko"  dahilan naman ni Sheina



"I need to clean my car" dahilan din Christian



"I have family meeting" sabi naman ni victor naririnig ko pa syang ngumunguya



"Daming reason!" asar kong sagot " Ikaw notebook ano rason mo?"



"M-may homework pa akong s-sagutan"  Utal n'yang sabi lagi naman



"Dadamot n'yo nakakatampo!" pabulong kong sigaw dahil baka marinig ako ng  mga librarian at janitor sa paligid



"HaHaHa you can do that alone, malaki kana"  tawang sabi ni victor rinig ko pa ang tunong ng kutsara,tinidor at plato n'ya.



"Tama bahala kana d'yan kita kita nalang tayo bukas sa klase" sabi ni sheina saka nag leave sa call isa isa rin silang nag paalam sakin saka sunod sunod na umalis sa tawag tanging si shane at ako nalang ang natira



"Hoy" tawag ko kay shane pero hindi ito sumasagot paniguradong nakatulog na ulit ito kaya ako na ang sumunod na nag baba ng linya para mag end call.



"Ito hijo kumain ka muna kahit konti at malapit na daw dumating ang truck" Sabi ng librarian na si Miss Catrus, inabot n'ya sakin ang isang mangkok ng lugaw .

My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now