CHAPTER 13

8 1 0
                                    


"JHANIXE MAG A-ALAS OTSO NA ALALAHANIN MONG SIRA ANG ORASAN NATIN!" nabulabog ang pagtulog ko nang marinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa sala.



Napatayo ako agad nang wala sa oras nakaramdam pa ako ng hilo at tumingin sa orasan na alas sais parin ang pinapakita dahil kanina noong tiningnan ko ito ay ala sais pa ang oras kaya umidlip ulit ako.



Kung tutuusin pwede ko makita ang tamang oras sa cellphone ko pero palagi itong nakalayo sa kama kaya nakakatamad kuhanin lalo na kung bagong gising.



"Mal-late kana kaya hinanda ko na yang mga gamit at pagkain mo!" muling sigaw ni nanay kahit na may katandaan malakas parin ang boses nya.



'Pano laging announcer sa BINGO'



"Opo gising na gising nako!" Sagot ko pabalik. 



"Sinisigawan mo ba ako?!" Sigaw n'ya pa balik kaya natawa naman ako. 



Mabilis kong kinuha ang towel at uniform ko saka lumabas ng kwarto.



"Hindi po." nakangiti kong sagot kay Nanay na umiinom nang kape sa terrace.



Agad akong pumasok sa loob ng banyo at madaliang naligo napapangiwi pa ako minsan sa lamig ng tubig.



Dahil 7:55 na nang ako'y matapos maligo at magbihis, nagpaalam na agad ako kay Nanay na aalis na ako dahil alas otso ang simula nang klase namin ngayong lunes.



Nagpaalam kami ni Nanay sa isa't isa, pagkatapos ay sumakay ako sa sasakyan ko saka agad itong pinaandar, habang nagmamaneho ay paunti unti din ang pagkagat ko sa tinapay na s'yang almusal ko sa umaga.



***


"Nako late ka nanaman hijo." tawa tawang salubong sakin ni Manong Guard.



Pag tingin ko sa relo ay 8:10 na kaya paniguradong kanina pa nagsisimula sila Eina sa klase. 



"Kaya nga po eh." pag-sangayon ko kay Manong. Agad ko namang ini-scan ang ID ko para makapasok.



"O sya at goodluck sa klase." nakangiting pang dagdag nang guard. 



My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now