CHAPTER 10

11 1 0
                                    


"ANO?!"  Halos pinipigilan kong taasan ng boses si Ma'am dahil sa nalaman ko




"Hijo testing palang naman ang nangyari wala pang result siguro mamaya maya meron nayan" mahinahon n'yang paliwanag pero nasa loob loob ko parin ang inis at kaba "Hindi tayo sigurado kung positive o negative"



'Ano nanamang katangahan to?!'



Dahil sa dami ng mga posibleng mangyari na nasa isip ko hindi ko na napigilang tumayo at sumugod pa balik sa kwarto ni jayrine para malaman kung ano tong ginagawa n'ya



'Pakiramdam ko may mali sa kanya'



Narinig ko pang tinatawag ako ni Ma'am Aquino pero hindi ko na s'ya nililingon basta ang gusto kong mangyari ngayon makausap si Jayrine...hindi ko masasabing mahinahong paguusap ang mangyayari


Pag lapit ko sa kwarto ni Jayrine ay hindi nako nag abalang kumatok ng pinto kundi dirediretso akong pumasok nakita ko pa sa gilid ng mata ko si Ma'am Aquino na humahabol sakin.



Pag kapasok ko sa loob ay naagaw ko ang atensyon ni Jayrine at ng mga magulang n'ya na kakarating lang dahil mga naka supot pa ang mga gamit at pagkain na binili nila 



Na punta agad sa papa ni Jayrine ang tingin ko habang s'ya naman ay napangisi ng makita ako, na para bang nab-bwisit agad 'to kapag nakikita n'ya ko naiintindihan ko naman ang galit nila sa ginawa ko dahil unika iha nila si Jayrine 



Siguro talagang barumbado lang ang tatay ni Jayrine kaya lagi itong nanghahamon dahil kung ikukumpara mo ang pag ka bwisit sakin ni tito kesa kay tita masasabing mo talagang halos Over-reacting ang ginagawa ng tatay ni Jayrine dahil may panguunawa pa yung nanay ni Jayrine kesa sakanya.



Tumayo ng tuwid ang tatay ni Jayrine at mag sasalita na sana sakin pero bigla kong inalis sa kanya ang tingin ko at inilipat ko ito kay Jayrine na mukang inosenteng inosente pa



"Nag pa Pregnancy test ka?"  kunot noo kong tanong sa kanya pinipigilan mag labas ng emosyon katulad ng pag kabwisit.



"Bakit natatakot kaba pag nag positive ha?! Tapos ano hindi mo papanagutan anak ko?!" Biglang sabat ng tatay ni Jayrine



Napangisi naman ako sa inis dahil don sa humarap ulit sa tatay ni Jayrine "Bakit naman po ako matatakot? Hindi po ako katulad ng ibang lalaki na tatakbuhan yung responsibilad kapag may nabuntis, Ang sakin lang naman  pano mabubuntis nang dahil sakin  yang anak ninyo kung walang nangyari samin?!" galit kong sabi 

My Favorite Cheater (ECPU Series #3)Where stories live. Discover now