Ang Talambuhay ni Rizal

1.2K 6 0
                                    

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o si Dr. Jose P. Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ika-pitong siyang anak sa labin-isang magkakapatid. Ang mga magulang na sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Ang ina ang kanyang naging unang guro. Maaga siyang nagsimula sa pag-aaral at ipinagpatuloy ito sa Biñan, Laguna at nakapagtapos ng Batsilyer sa agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid noong 1877 hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

Ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle at mga katiwalian sa pamahalaan kastila.
Umuwi siya sa Pilipinas noong Hunyo 18, 1892 at itinatag ang samahang "La Liga Filipina" na may layuning pagkaka-isa ng bawat Pilipino at pag-unlad ng komersiyo, agrikultura at industriya.

Noong Hulyo 6, 1892 ay nakulong siya sa Fort Santiago at pinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Namalagi siya sa Dapitan ng apat na taon kung saan nanggagamot siya ng mga may sakit.
Habang papunta sa Cuba noong Setyembre 3, 1896 upang magsilbi bilang siruhano ay inaresto siya. Ibinalik siya sa Pilipinas noong Nobyembre 3, 1896 at ikinulong muli sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896 ay nahatulan siya ng kamatayan sa dahilang napagbintangang siya ang simula ng himagsikan laban sa mga kastila.

Bago ang kanyang kamatayan ay isinulat niya ang "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling Paalam) upang magmulat ang mga susunod na henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896 ay binaril siya sa Bagumbayan (na ngayong ay Luneta).

EL FILIBUSTERISMO (group2)Where stories live. Discover now