Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung Savannah gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasally tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
![](https://img.wattpad.com/cover/274034228-288-k984511.jpg)
DU LIEST GERADE
EL FILIBUSTERISMO (group2)
Historische RomaneAng El Filibusterismo, na kilala rin sa alternatibong pamagat na Ingles na The Reign of Greed, ay ang pangalawang nobela na isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal. Ito ang karugtong ng Noli Me Tangere at, tulad ng unang libro, a...