Kabanata 4: Si Kabesang Tales

234 3 0
                                    

  Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlo siyang anak na sina Lucia, Tano at Juli.
  Sa kasamaang palad ang panganay na anak na si Lucia ay pumanaw dahil sa sakit na malaria.
Naging marangya ang buhay ni Kabesang Tales dahil sa tiyaga.

Nakisama siya sa isang namumuhunan sa bukid. Nang malaman na wlang nagmamay-ari sa gubat ay kanyang ginawang tubuhan ang lupa. Nais niyang pag-aralin sa kolehyo si Juli, ang kanyang bunsong anak upang mapantay kay Basilio na kasintahan ng anak.

Sa pag-unlad ng tubuhan ay inangkin ito ng mga prayle at pinabuwis si Kabeng Tales. Pataas ng pataas ang pagbuwis hanggang sa di na makayanan ang bayarin at nakipag-asunto siya sa mga prayle.
Binantayan niya ang kanyang bukid at may dala-dala siyang baril. Hindi makapasok ang sinuman dahil sa nabalitaang siya ay bumabaril. Nagdala rin siya ng itak dahil sa kinumpiska ng mga pratle ang baril na dala-dala niya. Sumunod naman ay palakol. Subalit dinakip siya ng mga tulisan.

Isinanla ni Juli ang kanyang mga hiyas liban sa isang agnos (locket) na bigay ni Basilio. Ngunit hindi padin ito sapat kaya't nangutang siya kay Hermana Penchang at maglingkod bilang utusan.

EL FILIBUSTERISMO (group2)Where stories live. Discover now