Kabanata 37: Ang Hiwagaan

92 0 0
                                    

Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita.

Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito nakinig.

Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun.

Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat.

May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig.

Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.

EL FILIBUSTERISMO (group2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon