Kabanata 3: Ang Alamat

291 1 0
                                    

Nang dumating si Padre Florentino ay natapos ang kanilang pagtatalo. Nagbubulungan ang mga prayle at pinag-uusapan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin sa simbahan.
Habang nag-uusap ay dumating si Simoun. Pinanghinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita ni Simoun ang tanawin habang naglalakbay ang bapor.

Saad naman ni Simoun ay walang halaga ang magandang tanawin kung wala itong alamat. Sumagot si Don Custodio at sinabing may mga alamat ang nasabing ilog. Unang isinalaysay ni Don Custodio ang alamat ng Malapad na Bato.

Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad na Bato na pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga tulisan na humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon.
Sinabi ng Kapitan na may alamat tungkol kay Donya Geronima.
May magkasintahan sa Espanya. Naging Arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng Arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig. Nainggit naman si Donya Victorina na ibig din manirahan sa kweba.

Ayon kay Padre Slvi hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo at upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo. Nang madaan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang “Guevarra”, “Navarra” o “Ibarra”.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.

EL FILIBUSTERISMO (group2)Onde histórias criam vida. Descubra agora