Kabanata 2: Sa ilalim ng kubyerta

466 0 0
                                    

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta, masikip roon sapagkat nandoon lahat ng mga gamit at kargamento. Naroon din ang dalawang EAT HEY ANTE na sina Basilio, na nag-aaral ng medisina at si Isagani na makata at kakatapos lamang sa Ateneo at kausap si Kapitan Basilio tungkol sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga kastila, subalit ani ni Kap. Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay at lumayo na si Kap. Basilio.
At siya ring pagbaling ng usapan kay Paulita Gomez na kasintahan ni Isagani. Isang maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Doña Victorina.

Ilang sandali pa ay lumapit si Simoun sa dalawa at kinausap. Pinakilala ni Basilio si Simoun sa kaibigan.
Ani ni Simoun ay hinfi siya makakadalaw sa lalawigan ni Basilio dahil ang lalawigan ay mahirap at di makabili ng alahas. Subalit tumutol si Isagani sa pahayag ni Simoun dahil hindi naman nila kailangan ang mga alahas.
Inanyayahan naman ni Simoun ang magkaibigan na uminom ng serbesa subalit tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino dahil sila'y pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa at mabilis na tinugunan ni Basilio.

Binanggit ni Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang mga Pilipino dahil ito ay palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig ay matamis at naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy.
Habang nag-uusap ay may dumating na utusan. Pinapatawag ni Padre Florentino ang kaniyang pamangkin na si Isagani. Ayon sa iba ay anak daw ito ni Padre Florentino sa dating katipan nang mabalo.

EL FILIBUSTERISMO (group2)Where stories live. Discover now