Lihim na nagtungo sa gubat si Basilio upang bisitahin ang libingan ng kanyang pinakamamahal na ina. Inalayan ito ng munting panalangin at nagmumuni muni.
Lumisan na rin si Basilio at nagtungo sa Maynila na muntik nang magpatiwakal dahil sa hirap at gutom nito. Subalit, natagpuan niya sina Kapitan Tyago. Kinuha siyang katulong at pinag-aral sa San Juan de Letran.
Madalas siyang pagkutsyaan ng kanyang mga kasamahan dahil sa luma at gulagulanit nitong kasuotan. Gayunman ay hindi tumigil si Basilio sa pag-aaral.
Pagsapit ng pagsusulit ay nasagutan niya lahat ng katanungan at nakakuha ng mataas na marka.
Hinikayat siya Kapitan Tyago na lumipat sa Ateneo kung saan ay naisipan niyang mag-aral ng medisina.
YOU ARE READING
EL FILIBUSTERISMO (group2)
Historical FictionAng El Filibusterismo, na kilala rin sa alternatibong pamagat na Ingles na The Reign of Greed, ay ang pangalawang nobela na isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal. Ito ang karugtong ng Noli Me Tangere at, tulad ng unang libro, a...