Ang Kasaysayan ng El Filibusterismo

635 4 1
                                    

     Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Ang akdang ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga kastila. Ito rin ang nagturo sa mga Pilipinona maging bihasa sa pagkamit ng tagumpay at matamo ang kaligtasan sa sariling pagsisikap.

Kasaysayan:
  1891 nang unang mailambag ang El Filibusterismo. Maraming pagsubok ang dinanas ni Rizal, dahilan narin nito ang pagkalathala ng Noli Me Tangere noong Marso 1887. Maging ang kanyang naiwang pamilya, kaibigan, at kababayan ay giniyagis ng paggipit. Kaya't nagpasya si Rizal na muling mangibang bansa upang malayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan kahit na anim na buwan pa lamang niyang makakasama.

   Noong Pebrero 1888 ay pumuntang Hongkong at naglakbay patungong Japan, Estados Unidos, at Inglatera hanggang marating ang Europa. Kahut na malayo siya ay hindi lingid ang kalagayan ng pamilya at kababayan, nakatatanggap siya ng ulat tungkol sa pag-uusig at matinding paghihirap na dinanas ng kanyang pamilya at mga kababayan, nabalitaan din niyang ikinasal sa iba ang kanyang minamahal dahil ayaw siya ng mga magulang nito at binansagang "SUBERSIBO" at kalaban ng Espanya ng pamahalaang kastila.

   Ipinagpatuloy parin ni Rizal ang pagsusulat sa ikalawang nobela, na sinimulang buuin sa tahanan ng pamilya sa Calamba, Laguna. Ipinagpatuloy niya ito sa London, kung saan siya ay nanirahan mula Mayo hanggang Setyembre 1888, gayon din sa Paris, Madrid, at Bruselas, Belgica.

   Noong Marso 21, 1891 natapos niya ang kabuuan ng nobela. Naisip niyang ipalimbag ang nobelang El Filibusterismo sa pag-asang may sapat na salapi subalit nabigo siya. Maging ang mga mayayamang Pilipino na nangakong susuporta ng pinansyal ay nangagkalimot na, kahit na nagsanla ng mga alahas ay hindi parin sapat kaya't napilitan na ipatigil ang pagpapalimbag na noo'y may 112 pahinang naimprenta.

  Setyembre 1891, sa hindi inaasahang pangyayari ay dumating buhat sa Paris ang perang padala ng matalik na kaibigan na si Valentin Ventura. Noong 22, 1891 ay natapos na maipalimbag ang kanyang pangalawang akda.

  Inialay ni Rizal ang orihinal na manuskrito kay Valentin Ventura bilang pagtanaw ng utang-na-loob. Nagpadala rin siya ng mga sipi ng nobela sa matatalik na kaibigan gaya nina Fernando Blumentritt, Marcelo H. del Pillar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna. Ang pagpapadala ni Rizal sa Pilipinas ng mga sipi ng nobela ay nagpapatunay na isinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin ng mga kababayan at di lamang ng mga taga-Europa.
Sa gulang na labing-isa ay nasaksihan niya ang kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURGA(Gomez, Burgos, at Zamora).Ang pangalawang nobela ay inihahandog niya sa tatlong paring martir. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit ito'y itinuturing na isang nobelang politikal.

EL FILIBUSTERISMO (group2)Where stories live. Discover now