EPILOGUE

71 2 0
                                    


Epilogue

Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo at ang panlalamig ng buong katawan ko.

Si Louie na akala ko magliligtas sa amin. Sya pala ang nagdadala sa amin sa kamatayan.

Ramdam na ramdam ko ang lakas na kabog ng dibdib ko.

Si Alliyah, palagi silang magkasama. Ang alam ko ay matagal na silang magkasama papaanong hanggang ngayon ay buhay pa rin sya kung ganon?

"Ang alam ko ay malapit sa isa't isa sila Louie at Alliyah? Matagal na silang magkasama pero bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin si Alliyah?" nalilitong tanong ko sa sarili ko.

"Pinag-aaralan ni Kuya Louie kung papaanong kumilos si Alliyah. Pinag-aaralan nya 'lahat' ng kahinaan nya. May itsura ang kuya ko kaya hindi mahirap na mapalapit sya kay Alliyah. Kilala mo naman sya."

Tama sya. Kahit noon pa man ay napaka init na ng dugo ni Alliyah sa mga taong hindi nya gusto ang itsura. Lagi syang nakadikit sa mga taong sa paningin nya ay maganda at gwapo, malinis tingnan at iyon bang papantay sa yaman nila.

"Nasaan sila ngayon kung ganon?" tanong ko kay Aila.

Ngumiti sya at tumayo. Sinundan ko naman sya hanggang sa makalabas kami.

Muli na namang nabuhay ang takot sa akin nang makita ko nanaman ang naapkadilim na paligid.

Ang sahig na sobrang lagkit gawa ng dugo. Pinilit kong alisin iyon sa isip at sumunod na lang kay Aila.

Kahanga-hangang malayo sa itsura ng daan kanina ang dinadaanan namin ngayon.

Malinis at tago ang lugar na ito. 'Gaya ng kwartong napasukan ko kanina ay ngayon ko lamang nalaman na may daanan pala dito.

Huminto ako nang huminto si Aila. Tumingin ako sa kanya upang magtanong ngunit nakalagay na sa bibig nya ang hinturo nya na parang sinasabing 'wag ako gagawa ng kahit na anong ingay.

Tumango naman ako at bahagya syang sumensyas kaya nama'y tiningnan ko ang gawing itinuro nya.

"Ahhh!" Nagulat ako nang makarinig ng tinig ng isang babaeng nagmamakaawa.

Dahan-dahan akong lumapit sa ngunit siniguro kong walang makakakita sa akin.

"Hahahahaha! Masaya ba? Anong pakiramdam?" tumatawa ngunit halatang may galit sa boses ni Louie.

Tumaas ang balahibo ko dahil hindi ko nakilala si Louie sa boses nya. Malayong malayo doon sa mala-anghel nyang tinig.

Galit na galit ang kanyang mata, malayong malayo sa namumungay nyang mata noon.

Si Ella naman ay may hawak na baseball bat na pagkalakas-lakas na hinampas sa tuhod ni Alliyah. Kasunod non ay ang pagpaso ni Louie ng mainit na bakal sa likuran ni Alliyah.

Umalingaw-ngaw ang tinig ni Alliyah. Bakas sa kanyang boses ang paghihirap sa nararanasan niya ngayon.

Natakpan ko ang bibig ko sa gulat at nanginig ang mga kamay ko sa takot.

"Galit ka sa mahina ah? Edi galit ka sa sarili mo?!" sabi ni Louie.

Natakot ako ng may maliit syang inilabas na kutsilyo.

Itinutok nya iyon sa noo ni Alliyah. Napapikit ito nang maramadaman ang pagdidiin ni Louie sa kutsilyo.

"Diba matalino ka?" nakangising tanong ni Louie.

Umiiyak naman sa takot si Alliyah. At nanatiling nakapikit nang pagkadiin-diin.

"Sumagot ka!" natinag si Alliyah pati na rin ako sa pagkalakas-lakas na sigaw ni Louie. "Tutal naman ay sabi mo ay matalino ka kaya hindi mo na kailangan mag review pa kapag may exam diba?" kunwaring tanong pa ni Louie habang pinaglalaruan sa kamay nya ang kutsilyo.

Death PolicyWhere stories live. Discover now