CHAPTER 8

81 5 0
                                    


Chapter 8


Wala sa sariling naglakad-lakad nalang ako. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa garden at bahagya pang nagulat nang makita doon ang kaklase kong si Hazel. Nawala sa isip kong sinusundan ko nga pala siya. Nilapitan ko sya at tinabihan sa ilalim ng puno.


"Ayos ka lang ba? Anong problema?" tanong ko sa kanya.


Matalino naman kasi 'yang si Hazel. Naging kaklase ko na rin nga sya noon. Close kami dati kaya lang, nang mapasama sya sa star section, nahiwalay sya sa amin at hindi na kami masyadong nag-uusap.


"Nakita mo na ba ang resulta ng exam mo?" tanong ko sa kanya. Bahagya lang syang tumango at hindi pa rin nagsasalita. "Ayun naman pala eh, bakit ka nagkakaganyan? At isa pa, matalino ka kaya maipapasa mo talaga 'yon" sabi ko pa.


"Alam mo bang...." napalingon ako sa kanya nang mag salita sya at tumingin rin sya sa akin. "Kahit na matalino ka at pumasa, mamamatay ka pa rin?"


Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Ayun na naman ang pagkalito ko.


"Bakit?"


"Dahil hindi lang naman ang mga nakatataas rito ang pumapatay" sabi nya at muling naantig na naman ang kurusidad ko.


Kunot na kunot ang noo kong nakikinig lang sa kanya.


"May iba pa. Ang sabi, hindi daw 'yon nakikita."


"You mean, multo?" tanong ko at tumango naman sya.


Tumawa ako at kunot-noo nya naman akong tiningnan.


"Multo? Naniniwala ka sa multo?" natatawang sabi ko pa.


Bumuntong hininga sya saka muling nag salita. "Ilang kaibigan at kakilala ko na ang namatay rito. Halos lahat sila matatalino rin at hindi naman bumabagsak pero namamatay rin sila." sabi pa nya. "Sa tuwing naaabutan namin silang naghihingalo, palagi nilang sinasabi ang salitang 'babae' " huminto sya saglit saka muling tumingin sa mga mata ko. "Bago sila mamatay, palagi nilang sinasabi na may babae, at naisip namin na, once na makita mo na ang babaeng 'yon, malapit ka nang mamatay"


"Ano? Bakit naman?"


"Nalaman namin na hindi mo sya makikita ay dahil sa tuwing sasabihin nila ang salitang 'babae' kasabay non ay may itinuturo sila at hindi naman naming nakikita 'yon. Kaya kapag may nakita kang kakaiba na sa tingin mo ay hindi sya buhay, mag-ingat ka na"


Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Inisip kong mabuti kung may nakita na ba akong kakaibang estudyante rito.


"At susunod na ako" napatingin akong muli kay Hazel nang magsalita sya.


Death PolicyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon