CHAPTER 2

127 8 0
                                    

Chapter 2


"'Wag po! Maawa na po kayo sa akin!"

Sigaw ng isang babaeng nag wawala sa loob ng isang parang kulungan. Salamin iyon kaya naman talagang makikita mo kung ano ang nangyayari sa kanya. Puno ng dugo ang uniform nya at iyak sya nang iyak.

Nanlaki ang mga mata ko nang tadtadin sya ng saksak ng isang lalaki at babae saka iyon umalis. Kasabay ng pag sigaw ng babae ay ang pagsigaw ko nang biglang may bumagsak sa kanyang malapad na bakal at puno ng patusok iyon.

"AAAAHHHHHH!"

"Shena! Shena!" Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang sigaw ng aking ina.

Pawis na pawis ako at nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ano? Anong nangyari? Nananaginip ka nang hindi maganda, puro kase nakakatakot ang pinanonood mong bata ka!"

"Sorry ma," sabi ko

"Sige na bumangon ka na dyan. Unang araw ng klase ay mahuhuli ka pa. Kumilos ka na at nakahanda na ang pagkain mo sa ibaba"

"Sige po ma, salamat po"

"Sige na kumilos ka na" tinanguan ko lang si mama at saka ako bumangon at dumiretso sa banyo.

Unang araw ng klase namin ngayon at bagong eskwelahan rin ang papasukan ko. Bagong lipat kasi kami rito sa bahay namin, bagaman tumira na kami dati sa lugar na ito.

Mabilis akong kumilos at saka bumaba na upang mag-agahan.

"Oh, mag-iingat ka ah" paalala sa akin ni mama.

"Opo ma, salamat po"

Sinuot ko ang salamin ko sa mata at isinukbit ko ang bag ko sa aking likuran saka mabilis na minaneho ang bisikleta ko papasok sa eskwela.

"Bloody Wisdom Academy" basa ko sa malaking nakapaskil sa gate.

'Ang weird naman ng pangalan ng school'

Maganda

Malaki

Malawak

Maaliwalas

'Yan ang masasabi ko sa academy na ito. Itinabi ko pa muna ang bisikleta ko saka ako tuluyang naglakad papasok.

Halos lahat ng estudyante ay seryoso ang mukha. Pili lang ang makikita mong nakangiti.

Nag lakad-lakad pa ako at patuloy na iginagala ang paningin ko sa kabuuan ng paaralan. Hindi ko kasi ito masyadong tiningnan noong unang punta ko rito.

"S-sorry" sabay naming sabi nung nakabunggo ko.

Mukha syang nerd pero mukha rin naman syang mabait.

"Pasensya na, iginagala ko kase ang mata ko rito sa eskwelahan" sabi ko.

"A-ayos lang, kasalanan ko rin. Bago ka rito?" tanong pa nya sakin.

"Ah oo, ang totoo, wala pa akong kakilala rito" sabi ko at bahagya naman syang ngumiti.

Sabay kaming naglakad habang nagkukwentuhan.

"Ako nga pala si Alliyah, ikaw anong pangalan mo?"

"Shena, Shena ang pangalan ko" sabi ko at nag ngitian naman kami.

"Ang ganda dito noh? Ang lawak at ang aliwalas ng paligid." sabi ko habang nakangiti. "Kaya lang ang weird ng pangalan ng school hahaha pero, mukhang magiging masaya ang pag-aaral ko rito---" nahinto ako sa pagsasalita nang huminto sya sa paglalakad. "Bakit?" Tanong ko pa na nilingon sya bagaman nakangiti pa rin.

"H-hindi mo alam ang sinasabi mo" sabi nya at ramdam ko ang unti-unting pagkunot ng noo ko.

"H-huh?" takhang tanong ko pa

"W-wala, m-matalino ka ba? Masipag mag-aral?" tanong niya.

"Hmm? Hindi naman. Sakto lang. Gumagawa ako ng mga pinagagawa o sabihin na nating, ginagawa ko lang ang role ko bilang estudyante. Bakit?"

"Alam mo bang kailangan mong maging matalino, masipag, pumasa sa lahat ng exam o kung ano man ang kailangan mong ipasa at higit sa lahat kailangan mong maging alerto"

Naguguluhan man ay bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit naman? Natural lang naman minsan ang bumagsak kahit sa quiz o sa exam diba?"

"Pero hindi sa eskwelahang ito" sabi nya.

"Huh? Bakit? Ano bang mangyayari sa akin pag bumagsak ako? Bawal ba 'yon?"

"Oo" seryosong sabi nya.

''Bakit naman?"

"Dahil buhay mo ang kapalit"



To be continued....

Death PolicyWhere stories live. Discover now