CHAPTER 1

178 9 1
                                    

Chapter 1


"Shena mag ayos ka na at mag i-inquire pa tayo sa bagong papasukan mo" sabi ni mama.

"Opo ma! Mag bibihis nalang po"

Binilisan ko ang pag kilos ko saka bumaba. Naabutan ko pang naka paymewang si mama at mataray na nakatingin sa akin. Bahagya pa akong natawa sa kasungitan nya.

"Si mama ang aga-aga high blood" natatawang sabi ko pa.

"Aba eh ang bagal mong kumilos!"

"Sorry na ma, tara na po"

Habang nasa biyahe kami ay panay lang ang pag ce-cellphone ko hanggang sa makarating kami sa eskwelahan ko.

Kahit na naglalakad ako ay hindi pa rin ako natigil sa pag kalikot ng cellphone ko kaya hindi ko alam kung anong itsura ng labas ng school at kung ano man ang pangalan nito ay hindi ko rin nakita.

Tumuloy kami sa isang office at saka inintay doon ang mag a-assist sa amin.

"Itigil mo na 'yan" bulong sa akin ni mama.

Nang mapatingin ako sa kanya ay naroon na pala ang mag a-assist sa amin.

"Nako iha, bawal ang ganyan sa eskwelahang ito. Kailangan tutok ka sa pag-aaral mo" nakangiti-- nakangisi palang sabi nung medyo may edad na lalaki.

"S-sorry po" sabi ko.

Sinabi nya lahat ng kakailanganin kong dalhin, ipasa at gawin doon sa kanila. Hindi ko na nagawang pakinggan pa lahat ng sinasabi nya dahil naagaw na ng isang babae ang atensyon ko.

Hindi ko masyadong makita ang itsura nya pero batid kong nakangisi ito sa akin. Pansin ko pa ang pait sa kanyang ngiti nang mapalitan ng ngiti ang kanyang ngisi. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi saka sya umiling sa akin at tumalikod upang umalis.

Nangunot pa ang noo ko sa inasta nya.

Nagulat ako nang kalabitin ako ni mama. Napalingon naman ako sa kanya saka nya ako sinenyasan na ililibot kami rito sa paaralan.

"Mukhang maganda ang eskwelahang ito" nakangiting sabi pa sa akin ni mama. "Napaka istrikto rito, talagang matututo ka dahil may karampatang parusa pala pag bumagsak dito at depende daw iyon sa kung gaano kababa ang marka mo"

"Parusa ma? Ano 'yon? Sasaktan ba kami? Baka naman delikado ang parusa ah, 'wag na ayoko na dito"

"Ano ka ba? Syempre hindi ganon 'yon, pwedeng mag stay kayo rito hanggang sa maipasa nyo na ang exam. O pwede namang bigyan kayo ng special project"

Tumango-tango nalang ako at hindi na uli pa nagsalita.

Hindi ko nabigyan ng atensyon ang paglilibot namin dito dahil iniisip ko iyong naging kilos ng babae.

Nakangiti sya sa akin parang friendly naman sya. Swerte pa dahil wala akong kakilala rito at pwedeng sa unang pasukan ay sya ang makasama ko. Pero nakakapagtaka lang ang pag iling nya sa akin.

Habang dumaraan kami sa mga room ay ipinaliliwanag nung nag assist sa amin kung anong grade ba ang nag ru-room doon.

Mayroong classroom na nagkakagulo dahil walang teacher. Napatingin ako sa mga estudyante doon habang ang mama ko naman ay nakikipag-usap doon sa mukhang professor din na nag a-assist sa amin.

Nagulat ako nang matigilan sila at mapatingin sa akin. Napatungo ako dahil kakaiba ang mga tingin nila. Nakakatakot. Nakakapangilabot.

Nang maramdaman kong unti-unti na nilang inaalis ang paningin sa akin ay saka uli ako nag-angat ng tingin.

Nangunot ang noo ko nang makita ang isang estudyante na seryoso ngunit may takot sa mukha. Bahagya nyang pinag ekis ang dalawang hintuturo nya at saka sunod-sunod na umiling na para bang may gustong ipahiwatig.

Pinagpatuloy namin ang paglilibot at bawat estudyanteng makatinginan ko ay ganoon ang ginagawa. Pinag e-ekis ang dalawang hintuturo at iling nang iling.

'A-anong ibig sabihin non?'



To be continued....

Death PolicyWhere stories live. Discover now