CHAPTER 7

78 5 0
                                    

Chapter 7


"DEATH" mahinang sabi ko pa.

'Soon you'll see your... death?'

Wala sa sarili akong napatayo at ipinasa na ang aking papel sa aming guro.

Matapos kong maipasa 'yon ay kinuha ko na ang gamit ko at mabilis na lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa canteen kung saan doon naming napag-usapan nina Alliyah at Louie na magkikita-kita. Maya-maya pa ay dumating na rin si Louie at mga ilang minute pa nang masundan iyon ng paglapit ni Alliyah. Saka kami sabay-sabay na nag-order at iniintay na lang naming na mai-serve iyon sa amin.

"Ang hirap nung exam!" naiinis pang sabi ni Louie.

"Kaya nga ako rin, natatakot ako na baka bumagsak ako." sabi ko pa.

"Hahahaha! So easy guys. Kaya nga chill lang ako dahil alam kong papasa ako." mayabang na namang sabi ni Alliyah.

"Psh kayabangan!" pang-aasar pang muli sa kanya ni Louie. "Pero teka, anong sagot niyo doon sa ibaba? doon ako pinakanahirapan kahit na may choices 'yun eh! 'Yun na nga lang ang may choices ang hirap pa! Psh!" nayayamot pang sabi ni Louie.

"LABEL ang sagot ko." sabi ni Alliyah.

"Anong LABEL?" sabay naming tanong ni Louie.

"Soon you'll see your label?" tanong ni Louie saka tumawa nang malakas! natawa rin ako nang bahagya. "Bakit? di ka ba mabigyan ng label nung crush mo?" natatawa pa ring sabi ni Louie.

"Alam mo ikaw, wala kang kwenta kausap!" sigaw naman ni Alliyah sa kanya.

"Ako pa talaga ah! Ikaw nga tong walang kwentang kausap! Label pa talaga sagot mo ah hahaha. umulit ka ng letra, pwede ba 'yon?"

"Ewan ko, wala naming sinabi na bawal. So," sabi ni Alliyah na nagkibit-balikat pa. "Bakit ikaw ano ba sagot mo?" tanong sa kanya ni Alliyah.

Sa maikling panahon na nakasama ko silang dalawa ay pakiramdam ko may gusto si Alliyah kay Louie kaya nangingiti lamang akong tinitingnan sila.

"HEART ang sagot ko" sabi ni Louie at humagalpak naman ng tawa si Alliyah at napatawa rin ako.

"Makatawa ka sa sagot ko eh parang may kwenta pa nga ang sagot ko kaysa sa sagot mo!" sabi ni Alliyah.

"Ano? Hoy! May mas kwenta ang sagot ko dahil possible din naman ang sagot kong HEART, malay mo Science subject pala 'yon 'wag ka nga!"

"Sira! Soon you'll see your heart?" sabi ni Alliyah saka muling tumawa nang malakas.

"Psh! Ewan ko sa 'yo! Ikaw anong sagot mo Shena?" sabi nya at ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi ko. Tiningnan ko naman silang dalawa at para bang naiinip na sa isasagot ko.

"D-DEATH" sagot ko at napatungo. Narinig ko pang mapamura si Louie at natutop naman ni Alliyah ang kanyang bibig. At pare-pareho na kaming natigilan.

"B-Baka tama ka Shena. Hindi malabong 'yan ang sagot dahil alam naman natin kung anong klaseng eskwelahan toh." sabi ni Louie.

Natahimik kaming tatlo at maya-maya pa ay dumating na ang pagkain namin. Napatingin pa kami kay Ella nang lumapit sya sa amin.

"Guys oh, gusto nyo?" alok ni Ella, kaklase namin.

"Baon mo?" tanong ni Alliyah.

"Oo hehe, luto ng nanay ko" nakangiting sabi ni Ella.

Death PolicyWhere stories live. Discover now