CHAPTER 3

100 8 1
                                    

Chapter 3


Sa gulat ay hindi agad ako nakasagot. Magtatanong pa sana ako nang tumunog na ang bell.

"Halika na pumasok na tayo, saan nga pala ang room mo?" tanong nya.

"Room 204 ako" sagot ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Talaga? Eh magkaklase pala tayo eh" sabi nya pa habang nakangiti.

"Wow! Buti naman dahil wala pa akong kilala dito eh hehe"

Nang makarating kami sa room namin ay parang nagkakasaya pa ang mga estudyante doon ang iba naman ay parang napa-praning na.

"Uy nag-aral ka ba nung bakasyon?"

"Oo, ayokong bumagsak"

"Hindi ako nakapag-aral natatakot ako paano kung bumagsak ako?"

"Tulungan nalang tayo"

Hindi ko maintindihan. Sa dati ko kasing eskwelahan ay parang mga loko-loko pa ang mga kaklase kong nagtatawanan sa mga score nilang bagsak. Halos ipag-malaki pa nila 'yon sa lahat.

Well, bukod sa unang eskwelahang napasukan ko ngayong high school, galit ang mga guro at mga schoolmate namin sa mga mahihina. Para bang kasalanan na ang pagkakaroon ng mababang marka. Kailangan lahat doon ay honor. Lahat sila kung titingnan ka ay parang hinuhusgahan ka.

Lumipat ako ng paaralan dahil nag sara 'yon matapos magkaroon ng issue. At sa totoo lang, gusto ko rin talagang umalis na ron dahil nakaka-baba ng self-esteem ang mag-aral don.

Umupo kami ni Alliyah sa bakanteng upuan banda sa likod. Doon ako sa may tabi ng bintana pumwesto.

Umihip ang malakas na hangin at nakakakilabot ang lamig non. Bahagya pa akong nag-taka dahil nakasarado naman ang bintana pero ramdam ko ang lamig ng hangin.

"Good morning class!" Sigaw nung professor namin. Kapapasok lang.

"Good morning ma'am!"

"Nakapag-aral ba kayo nang maigi noong bakasyon?"

Halo-halong sagot ang narinig sa buong klase.

"Opo ma'am!"

"Hindi po ma'am, baksyon po eh!"

"Nakakatamad po mag-aral pag bakasyon ma'am!"

"Nakapag-aral po ma'am pero kinakabahan pa rin po kami"

Ilan lang 'yan sa mga sagot ng kaklase kong mukhang matagal nang nag-aaral rito.

Napabuntong hininga naman ang guro namin.

"Alam nyo, hindi ko alam kung matutuwa o maaawa ba ako sa inyo. Alam nyo naman ang school policy natin hindi ba? At alam nyo rin na hindi ito pwedeng malaman ng kahit na sino. Bawal kayong mag sumbong dahil alam nyo na ang mangyayari. Sa ngayon, hindi ko man maipapangako pero, gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para maturuan ko kayo nang mabuti. Hangga't maaari lang ay mag-aral rin kayo nang mabuti dahil kung kami lang mga teachers ang masusunod, gusto namin na kami nalang ang gumawa ng exams para kahit papaano ay mapadali namin ito"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng aming guro. Napatingin ako sa mga kaklase ko, ang kaninang masasaya nilang mukha ay napalitan ng takot ang iba nama'y nagsisimula nang umiyak.

Hindi ko inakalang ang unang araw ko sa eskwela ay magiging ganito. Parang napakarami kong hindi nalalaman.

Nagpakilala lang kami isa-isa at ganoon rin ang nangyari sa mga sumunod pang subject. Sinabi lang rin nila ang mga kakailanganing gamit. Gaya nung naunang guro na pumasok sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon sila lahat ka-emosyonal.

Habang naroon kami sa canteen, napatingin kaming lahat sa speaker nang biglang may mag-salita doon.

"Mag handa kayo, dahil bukas mangyayari ang unang pagsusulit ninyo. Aralin nyo lahat dahil hindi ko sasabihin kung ano ang i-e-exam ninyo. Pagbutihin ninyo, dahil alam nyo na ang mangyayari" 'yun lang at namatay na ang speaker.

Magpapatuloy na sana ako sa pagkain ko nang mapansin ko ang mga estudyante na tuluyan nang natigilan. Lumingon pa ako kay Alliyah at nakita ko ring nakababa lang ang kanyang paningin at namumutla.

"Alliyah" tawag ko sa kanya at bahagya syang nag-angat nang tingin sa akin saka uli nagbaba ng tingin.

Kumunot pa ang noo ko nang mapansin ko ang isang babae na nasa sulok, sa bandang likuran ni Alliyah.

'Siya 'yon'

Siya ang babaeng nakatinginan ko noong nag i-inquire palang ako rito. Nakatayo sya nang diretso at diretso ring nakatingin sa akin. Bahagya lang syang ngumiti sa akin saka naglakad palayo.

"Alliyah anong problema?" tawag ko nang muli kong balingan ng tingin si Alliyah.

"B-basta m-mag-aral ka nalang"

"Bakit ba? Bakit ba parang kanina pa kayo ganyan? H-hindi ko maintindihan, pati yung mga professor natin kanina hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang mga sinasabi nila"

"Makinig ka nalang samin" seryosong saad nya at bahagya pang naka kunot ang noo.

"Bakit nga? Ano bang mangyayari kapag bumagsak o mababa ang score ko ha?"

Galit syang tumingin sa akin. Saka sumigaw.

"Dahil mamamatay ka!"



To be continued....

Death PolicyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt