CHAPTER 9

61 6 0
                                    


Chapter 9


'S-Sya 'yon'


Muli ko na namang nakita ang unang babaeng nakita ko nung nag i-inquire palang ako. 'Yung unang babaeng nakatinginan ko sa malayo. 


Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang itsura nya ngayon. Punong puno sya ng dugo at lumuluha habang nakangisi. Malayong-malayo doon sa itsura niyang malinis at mukhang maayos naman. Dahil hindi ko naman nakikita ang mukha nya noon, hindi ko masabi kung maamo ba iyon. Kahit naman ngayon ay hindi ko makita ang ganoong itsura niya dahil natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang kalahating mukha.


"Shena! Halika na rito!" dinig kong sigaw ni Louie kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya dahil na rin sa takot doon sa babae.


Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag masyado ang mukha ng babae dahil palaging nakatabing ang buhok nya sa kanyang mukha. Mas lalo ko pang hindi maaninag ang mukha nya dahil puno iyon ng dugo.


Sabay-sabay kaming pumasok sa isang kwarto at nagkumpulan sa isang tabi. Ganoon nalang ang panalalaki ng mata namin.


Nang mag-angat kami ng tingin ay naghiyawan at nag-iyakan na ang lahat dahil napakaraming nakabigti doon! Nakita ko pa kung paanong tumulo ang kanilang mga dugo sa sahig at puno rin ng mantsa ng dugo ang kanilang mga uniporme. Ang iba roon ay mga kalapit na kaibigan ng mga kaklase namin at ganon nlang rin ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang ibang mga guro.


Hindi lang basta lubid ang nakasakal sa kanila kundi bakal na napakaraming patusok kaya naman nag-aagusan ang kanilang dugo sa katawan galing sa kanilang leeg. Lahat sila ay wala nang buhay. Nakakatakot pa ang itsura nila dahil ang iba ay nakadilatt bagaman patay na.


Napalingon kami sa apat naming kaklase nang mapasigaw sila dahil bumagsak mismo sa kanila ang mga estudyanteng nakabitin doon!


Nagtakbuhan kami ngunit napahinto rin nang sumigaw muli ang apat! Nakabitin na rin sila at dugong dugo na rin ang kanilang mga leeg! Habang sakal-sakal sila ay unti-unti rin silang ibinababa sa nagbabagang apoy. Panay ang pagpalag nila ngunit tila wala namang nakaririnig sa kanilang pag ma-makaawa.


"Tulungan nyo kami!" umiiyak pang sabi nila ngunit wala na kaming nagawa nang tuluyan na sila ibinababa doon at narinig pa namin ang iyakan at sigawan nilang apat doon. Nakita pa namin kung paanong unti-unting malapnos ang kanilang mga balat sa katawan at napahiyaw kami nang biglang lumakas ang apoy.Hanggang sa unti-unti na naming hindi narinig ang kanilang pag-iyak at sigaw.


'Patay na sila'


Apat nalamang kaming natitira ngayon. Ako, si Alliyah, si Louie at si Ella.


Magkakasama pa rin kami habang tumatakbo ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita na naman ang babaeng 'yon!


'B-Baka ako na ang sumunod dahil nakikita ko sya!'


Hindi ko iyon pinapansin at tumuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak na! Madilim na kaya siguradong walang makakakita sa amin dito. Hindi rin namin alam kung nasaan ang mga guro at iba pa naming ka-eskwela.


"AAAAHHHH!" napasigaw ako nang lumapit mismo sa harapan ko ang babaeng iyon saka sumigaw sa mismong harapan ko!


Napatakbo ako palayo. Dinig ko pa ang sigaw ni Louie pero hindi ko na 'yon pinansin pa! Takbo lang ako nang takbo, hindi na alam kung saan ang pupuntahan.


Papasok na sana uli ako sa isang kwartong nakita ko ngunit bigla uling nagpakita ang babaeng iyon! Hindi ko na itinuloy ang pagpasok ko doon at muli nalang tumakbo palayo. Ngunit bago pa ako makalayo ay nakita at narinig ko pa kung paanong nagmakaawa ang isang babaeng pakawalan sya.


Nakalagay sya sa isang mukhang gilingan ng karne ngunit malaki 'yon na kakasya ang dalawang tao. Bago pa ako makita nung bantay doon ay nakatakbo na ako at nakita ko pang parang karneng giniling ang katawan ng babae doon at nagtalsikan pa ang kanyang dugo!


Sinubukan kong umakyat para sana makahanap ng pagtataguan ngunit muling nagpakita ang babae! Hinanap ko nalamang ang daan palabas ng building na 'yon para makahingi ng tulong ngunit bigo akong makasalubong ng tao!


"AAAAHHHH!!!!" sigaw ko at nagtatakbo!


Hindi ako tumitigil sa pagtakbo ko dahil sinusundan ako nung babae!


Nakakatakot ang kanyang pagtawa dahil sadyang napakalakas ngunit napakatining niyon. Mahaba ang kanyang buhok at punong-puno ng dugo ang buong katawan niya! Hindi ko malaman kung saan ako tatakbo dahil lahat ng daanan ko ay andoon sya at sinusundan ako!


Patuloy pa rin ako sa pagtakbo at umiiyak. Napalingon ako sa isang kwartong medyo nakaawang ang pinto dahil may narinig akong sigaw ron!


Sinilip ko kung sino ang naroon at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang tumawa ang isang taong hindi ko matukoy ang kasarian dahil sa naka maskara ito at itim na itim ang suot! Hang ang babaeng biktima naman ay nakatali ang dalawang mga kamay at paa habang sumisigaw bagaman tinaliaan rin iyon ng tela.


Napalakas ang kanyang pag-iyak at pagsigaw, lalo rin akong naiyak ngunit pinigilang gumawa nang kung anong ingay. Dinukot ang kanyang mga mata! Saka tinanggal ang tela sa kanyang bibig. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang ipakain iyon nang pilit sa kanya.


Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo sa kung saan nang makita na naman ang babae!


'A-Ayoko na'


Bawat puntahan kong kwarto ay nagpapakita sa akin ang babae na 'yon! Patuloy lamang ako sa pagtakbo habang umiiyak nang mahinto dahil bigla nalang bumukas ang isang kwarto. Sa lahat ng kwartong nadadaanan ko ay iyon lang ang bukas na ilaw.


Kinakabahan, natatakot akong lumapit doon ngunit wala naman akong nakitang kahit na ano doon. Pumasok ako at sinarado ang pintuan. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.


Puting puti lamang iyon at maayos. Kung wala sanang nangyari ngayon ay iisipin kong napakagandang lugar nito para makapag-aral nang maayos. Mayroong white study table at bookshelf.


Bahagya pang nakabukas ang dalawang bintana doon at kitang kita ang lakas ng ihip ng hangin dahil sa paglipad-lipad ng kurtina nyon.


Wala sa sariling napaupo ako sa upuan nung study table at mabilis na napatayo nang marinig kong na-lock ang pintuan.


Sinubukan kong buksan iyon at sumigaw ngunit may narinig ako sa aking tagiliran.


"Shhh''



To be continued....

Death PolicyWhere stories live. Discover now