Chapter 5: Ride

37 8 0
                                    

It's Sunday, my rest day. I can do whatever I want but unlike before I will not waste money for unimportant things. I'll buy groceries and I will visit Kyle and Kyla on the orphanage.

Plano kong unahin ang mga grocery pero mahihirapan ako kung dederetso ako agad sa orphanage pagkatapos. Napagdesisyonan kong hapon na lamang pumunta doon. Uunahin ko nalang muna ang groceries sa ngayon, bilhan ko na rin sila ng regalo para kahit papaano ay mapasaya ko sila mamaya.

Kasalukuyan akong nasa fruits and vegetables section. Kaunti lang ang nailagay kong mga gulay sa tray, hindi dahil sa bihira ako kumain ng ganon, wala naman kasi ako sa bahay araw-araw kaya hindi din ako makapagluto. Isa pang dahilan ay hindi talaga ako marunong magluto ng mga ulam, mga simpleng potahe lang ang alam ko. Mas may alam ako sa baking.

Dinamayan ko ang pagkuha ng prutas lalo na ng pinya at ubas.

Kumuha ako ng iilang canned goods, I know that this is not healthy pero kailangan ko din ito kapag nagmamadali ako at wala na akong oras magluto.

"That's not healthy", saad ng isang baritonong boses

Nagulat ako ng makilala kung sino. "Sir", hindi makapaniwalang sabi ko

Hindi naman kalakihan ang store na binibilhan ko kaya talaga nakakagulat na nandito siya.

"We're not at the office, Call me Cullen.", natahimik ako ng ilang saglit dahil sa sinabi niya.

"Ah okay sir I mean Cullen"

Hindi lang kapani-paniwala. Pinayagan niya akong tawagin siya gamit ang pangalan niya. Hindi siya nagpapatawag ng ganon sa kahit kanino, he's always formal. It's either Sir or Mr. Montefiore ang tawag sakaniya kapag nasa labas ng kompaniya.

Isiniwalang bahala ko nalamang ang aking naisip. Hindi ko siya nilingon, bumalik ako sa ginagawa ko kanina.

Hindi ko maramdaman ang presensiya niya, wala na rin akong marinig na ingay. Mukhang nakaalis na din siya.

Napagdesisyonan kong magbayad sa counter.

"Ay piste ka!", nanlalaki ang mata ko nang may makabangga ako sa mismong paglingon ko.

Parang hindi ako makahinga. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa. Napakaliit ng espasyo na nagsisilbing distansya. Napalunok ako habang tinitignan ang mukha niya. Why am I scanning he's face? I can't take my eyes off him, he got this manly features. Kahit sino ay mapapatulala kung makakaharap siya.

Napaatras ako ng makabalik sa katinuan. Ano ba itong pinaggagawa ko, nakakahiya.

"Sorry, hindi ko alam na andiyan ka pala", kahit nakakahiya ay nagawa ko pa din na humingi ng paumanhin.

Wala akong natanggap na salita mula sa kaniya. I excused my self to hide my embarrassment.

Ramdam kong may nakasunod sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

"You're red as tomato", bulong nito sa akin na nagpanindig ng balahibo ko

May sumapi nanaman ba sa boss ko kaya bumalik nanaman siya sa pagiging ganito? He's being playful again.

Kasalukayan siyang nasa likuran ko habang pumipila. May hawak siyang bottled water. Mukhang wala naman siyang dala kanina. Seryoso pumunta siya dito para bumili lang ng isang bottled water? Wala bang tubig sa kanila.

Nang matapos kong binayaran ang mga pinamili ko ay agad akong nag-abang ng taxi para makauwi na ako agad.

Wala akong dalang payong o kahit anong pangsangga sa init. Hindi naman sobrang tirik ang araw dahil medyo maaga pa naman. Okay lang naman magbilad kahit paminsan-minsan lang. Hindi naman ako takot na mangitim.

Taming the CEOWhere stories live. Discover now