Chapter 9: Mag-asawa

32 7 1
                                    

Masaya ang gising ko kinabukasan. Parang magaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil may natulungan ako kahapon. Sana lang maging mabait na ang boss ko para wala ng mga empleyado na mawalan ng trabaho. Speaking of my boss, umuwi rin siya kaagad pagkatapos ako ihatid kahapon. Nagtalo pa kami kung saan niya ako ibababa dahil gusto kong sa labas lang ng lugar namin habang siya naman ay nagpupumilit na sa mismong tapat ng apartment ako ihatid.

Talo na naman ako. Sabi niya pa ay "I'm the boss at ako ang masusunod."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko na murahin siya. Gaya ng unang hatid niya ay lumabas na naman ang ibang ugali niya. Totally opposite of his serious attitude when we are at the office.

Hiyang hiya pa ako dahil masyadong maliit ang apartment ko. Paniguradong lalaitin niya 'to.

"Masyadong maliit, malaki naman ang sahod sana nag-condo ka nalang", komento niya

I rolled my eyes kahit hindi ako nakaharap sa kaniya.

Palabas na ako ng apartment. Maaga akong nagising dahil naiwan ang Ducati ko sa opisina. Kadalasan ay sinungaling talaga ang boss ko, napagkasunduan namin na ipapakuha niya 'to kahapon pero naghintay ako sa wala.

Nang nakalabas ako ay saktong pagdating ng isang sasakyan. Mukhang kargahan ito ng maliliit na sasakyan.

Napatigil ako ng binaba mula roon ang motorcycle ko.

Laglag panga akong napatingin doon.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bag ng tumunog ito.

It's from an unknown number. Wala namang masama kung sagutin ko ito.

"Hello?", bati ko

Nakarinig ako ng tunog ng paghinga.

"Did your motorcycle arrive already?", pamilyar ang boses nito. Ano daw 'yung motorcycle?

"Boss?", paninigurado ko

"Save my number"

Sabi ko nga siya talaga 'to. Bakit ngayon lang dumating 'to dapat kagabi pa. Mamaya ka sakin.

"Yes dumating na, thank you Cullen", sabay baba ng tawag

Napatingin ako sa call logs ko, nakalagay doon yung recent calls at nagulat ako sa nakita. Yung numero ni Cullen, nakalagay dito na natawagan ko siya 2days ago.

Pilit kong iniisip kung paanong natawagan ko siya, wala naman akong naalala. Sino ba ang tinawagan ko this past days, maliban kila Lucas wala naman na.

Napatampal ako sa noo nang naalala ang dare ni Lucas sa akin. Si boss yung natawagan ko? Kaya pala hindi nagsasalita. Nakakahiya parang gusto ko nalang maging patatas.

Pumunta ako sa messages at hinanap ang nagtext sa akin ng "I hope you got home safe". Doon ako nakasigurado dahil parehong number ito ng ginamit ni boss kanina.

Malay ko ba na number niya pala 'yon. Hindi ko naman kasi hiningi.

I saved his number para hindi na maulit ang nakakahiyang pangyayaring iyon. Mabuti nalang hindi kasali sa dare na magsabi ako ng kung anong words sa napiling tawagan, mas nakakahiya iyon.

Kinuha ko muna sa loob ang helmet ko. Dala ko ito kahapon pauwi.

Napatingin ako sa naghatid ng sasakyan ko, mukhang kanina pa naghihintay.

Nilapitan ko ito para sabihin na akin iyon.

"Kayo po ba si Miss Saffira Perez?", tanong nito

"Opo, pwede ko na po ba kunin?", sagot ko

Taming the CEOWhere stories live. Discover now