Chapter 12: Family Reunion

19 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm. Sakto ang tulog ko kaya hindi na ako natagalan sa paggising, walang tulala ng ilang minuto na nangyari.

After doing my routines ay agad akong gumayak papuntang opisina. Katulad ng request ni Cullen at bumili ako ng pandesal, sinamahan ko na rin ng kape, black coffee na paburito niya. Bumili rin ako ng para sakin pero hindi 'yung gaya ng sa kaniya. Feeling ko kahit natutulog kong espirito ay magigising kung gaya ng sa kaniya ang kape na bibilhin ko. Masyadong mapait para sa akin na mahilig sa matamis. Hindi ata kaya ng taste buds ko.

Nang dumating ako sa opisina ay sinalubong ako ng dalawa kong kaibigan.

"Bakit ngayon ka lang beh? 'yung boss mo kanina pa nandoon. Nakaabang pa nga sa labas ng opisina kanina, parang may hinihintay. Ikaw yata.", sabi ni Markus

Nagkunot naman ang aking noo. May hinihintay?

Ang aga niya yata ngayong araw. Tinignan ko ang oras at hindi pa 8:00 am kaya sigurado akong hindi pa ako late.

Binalik ko ang tingin ko sa dalawa.

"Kanina pa kayo nandito?"

"Kakadating lang din namin. Nagulat nga kami kasi ang tahimik ng opisina kanina.", sabi ni Emerald

Kadalasan ay maingay ang opisina kapag hindi pa nag-uumpisa ang working hours o hindi kaya ay kapag tapos na.

"Bakit naman tumahimik?", takang tanong ko

"Iyon na nga, maaga pa lang dumating si boss. Alam ko na ayaw niya kapag maingay yung mga nasa paligid, Lalo na kapag wala namang ginagawa.", Emerald

"Ganon ba. Nga pala gusto niyo ba ng pandesal?", alok ko

"Pahingi ako", Emerald

"Itong kape akin na lang?", Agad ko itong nilayo kay Markus ng akma niya itong kukunin. Mahina ko rin na pinalo ang kaniyang kamay.

"Para Kay Cull-- para kay boss to."

"Wow first name basis, lumi-level up.", asar nito

I rolled my eyes at him.

Binigay ko sa kanila ang iilang pandesal.

"Mauna na ako, baka hinihintay niya na 'to.", I waved my hand as a goodbye.

While I'm inside the elevator I can't stop thinking about what they said earlier. According to them they saw Cullen waiting outside his office.

Baka naman hinihintay na 'yung pandesal.

I entered his office, nilapag ko ang mga pinamili ko para sa kaniya. I greeted him and he did the same.

Agad akong nagpaalam. Nang malapit ako sa pinto ay lumingon ako at sinabing "May kape rin diyan."

Bumalik ako sa sarili kong table. I checked his schedule at biglang nagkasalubong ang aking dalawang kilay dahil sa nakita. Bakit wala siyang schedule ngayon? Sa pagkakaalala ko ay halos puno ito kahapon. Nacancel ba lahat?

Upang masagot ang tanong ko ay pumasok muli ako sa loob para linawin sa kaniya ang tungkol dito.

Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensyon.

"Cullen, bakit biglang nawala ang mga nakaschedule para ngayon?", turo ko sa tablet na dala ko.

"Well, we'll have a family reunion this day.", simpleng saad nito

"Pero bakit kasama ak--"

Pinutol nito ang nais kong sabihin, "No buts, when I said we, it means the both of us. To make it clearer, you are going with me."

Taming the CEOWhere stories live. Discover now