Chapter 7: Dare

26 6 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa mansion ni Lucas. Yes his mansion, hindi ng pamilya. I admire him because of that. Malayo na ang narating niya. Dati ay isa lang siyang taong walang pake sa kinabukasan niya. Ang importante sa kaniya ay ang nasa kasalukuyan, gusto niya lang mag-enjoy. You only live once nga daw. But look at him now, natuto na siyang magmanage ng negosyo. Pinagkakatiwalaan sjya ng buong pamilya niya to manage their business.

He's too hardworking now kaya hindi na ako magtataka kung paano siya nagkaroon ng ganito. He's also independent, I heard that aside from their company, he also have his own business.

We are currently at the pool area. Napagdesisyonan namin na mag-night swimming. I find it refreshing, hindi naman gaanong malamig ang simoy ng hangin ganon din ang tubig sa pool.

Mabuti nalang may dala akong pamalit kaya pwede akong makaligo. Hindi rin nainform ang dalawa ngunit gaya ko ay mukhang miyembro rin sila ng girl scout dahil sa may damit din silang dala.

Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang nakatampisaw ang parehong paa ko. Hawak ko ang cellphone ko, kumuha ako ng litrato ng paa kong nasa pool. I take some selfie.

I posted it on my Instagram story.

Gaya ng inaasahan ay wala pang isang minuto ay may nagview na kaagad.

Shawn_Aki replied to your story

Where are you baby girl?

Here comes my chismosong kuya.

Hindi ko siya nireplyan. Alam kong hindi niya ako tatantanan.

Napatawa ako nang sunod-sunod na tumunog ang notification ko. Five message and it's all from him.

Shawn:
Hoy nasaan ka nga?

Imposibleng may pool sa apartment mo.

Sinong kasama mo jan?

You're online, Saffi do reply.

SAFFIRA KEANE PEREZ!

I laughed with that, naiinis na siya.

I replied.

Saffi:
I'm at Lucas place kuya. You don't have to worry.

Shawn:
Who's with you?
Asides from Lucas.

Saffi:
I'm with my office friends. Walang boys kuya, pusong babae lang.

Shawn:
Fine, take care. Call me if you need something.

He treats me like a princess at sanay na ako doon. He's protective and sweet at the same time.

Napalingon ako sa kanila Lucas. Mukhang tapos na sila sa niluluto nila. I volunteered to help them earlier but Lucas declined. Baka daw hindi pagkain ang kalalabasan. Am I that bad in cooking?

"Keane come here luto na", pasigaw na tawag ni Lucas sa akin Mula sa kinaroroonan nila.

Agad akong umalis mula sa pagkakatampisaw. Deretso akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila.

Amoy na amoy ko ang niluluto nila. Ang bango, mukhang masarap.

Mayroong maliit na cottage malapit sa pool. Tinulungan ko sila para dalhin ang mga pagkaing niluto nila. Parang gusto ko na kunin ang barbeque at grilled chicken. Pero dahil hindi uso ang diet sa amin ay hindi mawawala ang rice.

Ako lang ba? Hindi talaga ako nabubusog kapag walang kanin.

Hindi namin mapigilang magkwentuhan habang kumakain.

Halos umikot ang kuwento sa akin. Oo nga pala hindi pa alam ni Markus at Emerald na hindi totoong fiance ko si kuya.

Naisipan kong ikwento iyon.

Taming the CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon