PROLOGUE

1.8K 44 16
                                    

"Ang gwapo-gwapo mo tas iiyak ka sa babae?" Napapa-iling nalang na sabi nung babae.

"Ikaw nga iyakin pero hindi ka maganda eh." Sagot nung lalaki sa babae.

Natawa naman yung babae sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Ikaw nga may gusto sakin pero hindi ko sinasabi sayo na alam ko eh." Sabi niya, dahilan para matigilan ang binata at mapatingin sakanya.

Pagkatapos ay humagalpak ng tawa ang babae at sinabi sa lalaki na "Eto naman, hindi na mabiro. Tama na ang iyak dyan, hindi na babalik yon. Mukha kang bakla dyan." Seryosong sabi nung babae sakanya. "Kung nakita mo lang talaga ang itsura mo kanina baka pati ikaw pagtawanan ang sarili mo."

"Always remember the rule, bestie." Nagsalita ulit yung babae.

"Rule no. 1: Don't fall in love. Rule no. 2: Don't love your bestfriend. Rule no. 3: Don't fall for a stranger. Rule no. 4: Don't date your barkada, and Rule no. 5: 'Wag kang iiyak, kasi worth it ka." Sabi ulit nung babae, bago lumabas sa kwarto ng binata.

Naiwan namang nakatulala ang lalaki sa kanyang silid. Dahilan upang sabihin niya na..

"Ikaw nga, mahal ko eh. Pero hindi mo alam kasi manhid ka."

"Wala naman akong balak umamin sa'yo, pero everytime nakakausap kita hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang meron ka at hindi kita mapakawalan kahit ilang taon na ang lumipas simula nung nagustuhan mo 'ko."

"Naglalaro nanaman ang tadhana. Kung kailan gusto kita, dun naman hindi na pwede dahil may nagugustuhan ka ng iba."

-
Votes and comments are highly appreciated!
Don't forget to use the hashtag "#RunAfterHer" "#RAHPrologue" on twitter.

Run After HerWhere stories live. Discover now