6

556 22 7
                                    

Calyx Kheifer Huscaro

["Hi Tanda, anong kailangan mo? Ang aga mo naman ako mamiss."] Si Sylvia sa kabilang linya.

"Tanga, asa'n boyfriend mo? Hindi siya sumasagot eh, kailangan ko lang sana siya kausapin."

["Si Kyosh? Nasa kusina lang. May pinakuha lang ako."] Sabi niya sakin.

["Teka, pabalik na din naman yon. I can hear his footsteps na eh."]

["Mahal? Who are you talking to?"] Rinig kong sabi ni Kyosh sa kabilang linya.

["Tumawag si tanda, gusto ka daw niya makausap, mahal. Kausapin mo na, bago umiyak pa eh."] Sabay tawa nito.

["Oh bakit? Sabi ko naman sayo, 'wag kang tatawag pag nandito girlfriend ko eh. Alam ko naman ako talaga mahal mo hindi yung dalawa."]

"Heh, ul*l. Manahimik ka nga. Punta ka dito. May papagawa ako sa'yo." Sabi ko sakanya.

["Mr. Huscaro, sa pagkakatanda ko madami kang tauhan para utusan. Pero bakit ako ang uutusan mo?"] Iritableng sagot nito sa'kin.

"Susunduin mo lang naman ang mga kaibigan natin sa Airport, dahil kung sa iba ko ipag-uutos, alam kong makakarating kay Kourt lahat ng balak ko."

["Ah? So para sakanya ulit? Oh eh ano naman? Sa iba mo iutos."]

"It's almost her birthday, dalian mo na. Sylvia also wants to see them again, sa tingin ko kapag nalaman niya na nandito sila ngayon sa Pilipinas, hindi siya magdadalawang isip paalisin ka."

["Bago 'ko pumayag sa trip mo, bakit mo toh ginagawa?"] Tanong niya sakin.

"Lagi ko namang ginagawa toh ah? Anong bago?" Natatawang tanong ko sakanya.

["Lagi? Hindi, Calyx. Ilang beses mo pa lang ginagawa yan. Alam mo bang sobrang nanibago kaming lahat nung time na hindi naman kayo nag-uusap palagi, pero may bago sainyo. Nung mga araw na may problema kayong dalawa, nag-aaway lang kayo palagi. Pero hindi namin nakita yon, kasi nung mga oras na may problema kayo, kayo pa ang nagdadamayan, kayo yung nagkakaintindihan. Hindi kayo naging close kahit isang beses, pero isang araw ayan na. Nagulat nalang kami ganyan na yung galit mo sa naging ex niya, ganyan mo na siya tratuhin, ganyan ka na makipag-usap sakanya, madalas mo siyang asarin sa mga ganyan o ganto niya na hindi mo naman laging pinapansin noon kasi wala ka namang pakialam sakanya, hindi ba? Kaya Calyx uulitin ko yung tanong ko sayo, bakit mo toh ginagawa?"] Seryosong tanong na niya sa'kin.

["Calyx, hindi mo naman siya totoong minahal nung mga bata pa lang tayo. Pero ano toh? Bakit? Aasa nanaman yon sa ginagawa mo, may girlfriend ka din. Bakit hindi mo nalang siya pabayaan? Hindi mo naman kailangan gawin toh eh."]

"Because I love her, I loved her. I lied when I told her that I don't because I know that she'll just be in pain if she'll continue loving someone like me. I was the one who pushed about the arrange marriage." Maigsing paliwanag ko sakanya.

"Hindi niya kailangan umasa, kasi ako mismo ang gagawa nang paraan para bumalik siya sa'kin."

["Calyx, hindi naman siya umaalis. Lumayo ka sakanya."]

"Lumayo ako, kasi akala ko makakakaya ko na hindi ko siya nakikita at nakakausap, baka sa way na yon makalimutan kong nasaktan ko siya ng ilang beses."

["Ang hina mo, nagawa mo siyang layuan at iwanan nung mga oras na may responsibilidad ka sakanya. Sinaktan mo siya, nung iniwan mo siya hindi ba ganun lang ulit yung ginawa mo? Inulit mo lang, hindi ba?"]

Run After HerWhere stories live. Discover now