10

474 20 35
                                    

A/N : Chapter dedicated to my 4 besties who's always waiting for the updates and kaek-ekan ng RUN AFTER HER.

Hindi ko kayo mamention, but you know who you are naman.
--

Calyx Kheifer Huscaro

"Happy 13th Birthday, Kourtney. Parang kailan lang baliw na baliw ka pa sa'kin." Sabi ko sakanya sa harap ng madaming tao. Nagsitawa naman sila.

"You're 13 already. 5 more years to wait. Sana after 5 years, kapag pwede na tayo sana hindi ka pa pagod."

"I love you, Kourtney. I'll wait for you. I'll wait hanggang sa pwede ka na, hanggang sa pwede na tayong dalawa." I saw her wiping her tears.

--

"Babe, why didn't you wait for me--Calyx?" At mas ikinagulat ko nang siya ang makita ko.

What is he doing here? Who is he calling and talking to?

Nakita ko ang paglapit niya sa babaeng kaharap ko na pala.

"What are you doing here, Huscaro?" Tanong nilang dalawa sa'kin.

"He's my guest. I invited him over--oh? You're with your girlfriend. Hi I'm Ruelleen Samantha Montgomery. I'm the Architect cousin of these young handsome and gorgeous siblings here. " Sabay turo niya sa magkapatid.

"I guess you didn't expect him coming." Sabi ni Ruelleen.

"And I didn't expect them either." Sabay turo ko sakanilang tatlo.

Tinignan ko naman ang kaibigan ko na nakapulupot ang braso sa bewang ng babaeng kaharap ko.

"Oh, Calyx Kheifer. Meet Oliver Sanfworth, he's a lawyer and detective. He's Kourtney's fiancée, and my cousin's pregnant for a month na!!" Masayang sabi nito sa'kin.

I looked at the both of them. Tinitigan ko si Kourtney bago ibaba ang tingin ko sa tyan niya na ngayon ay nakalabas because she's wearing a white croptop.

You aborted our child, because you're getting married. Sa kaibigan ko pa. What the hell was that, Kourtney? Sinuko ko lahat para sa'yo, handa akong sumugal kahit hindi mo 'ko mahal. Pero bakit ka naging ganito? Kourtney, sinaktan mo na nga ako, dinamay mo ang anak ko, ang masaklap pa do'n ay papakasalan mo ang kaibigan ko. Ang kaibigan ko na pinagbabantay ko sa'yo ng mahigit isang buwan.

"Ga'no na kayo katagal?" Seryosong tanong ko sakanila.

"2 years." Bumagsak naman ang balikat ko nang narinig kong nagsalita si Kourtney.

Nilingon ko naman si Vien at do'n ko lang napansin na naka kunot noo na pala siya habang nakikinig at parang hindi pa siya makapaniwala sa narinig niya. Kahit ako'y hindi makapaniwala.

Napansin kong lumapit si Vien sa'kin at bumulong.

"2 years? Tinalo kang 12 years, Kheifer." She chuckled.

"Dad!!" Gulat na sigaw ni Kourtney ng lumingon ito at nakita ang daddy niya sa likod niya lang mismo.

"Parang gulat na gulat ka Kourtney Neisha? Aligaga ka nanaman. Kumalma ka at pumasok na kayo ni Oliver sa loob. Masama sayong mahamugan. Baka makasama sa bata. May gusto ka ba? Any cravings?" Tanong ni Tito Lucifer.

Nakita ko naman ang pagtingin ni Kourtney sa'kin.

Napa ngiwi naman sila Oliver.

"Calyx, come with us." Si Tito Lucifer.

Hinawakan ko naman ang balikat ni Vien at sinabing sumama nalang muna kay Ruelleen.

Nang malapit na 'ko sa pinaroroonan nila Tito Lucifer ay narinig kong nag-uusap sila by accident.

Run After HerWhere stories live. Discover now